Chapter 21: Sermon II

52 3 0
                                    

KENJIE

Nalulutang ako ngayong umaga. I try to awaken my spirit, but I can't seem to do it. Natutulala ako at lumalabo ang paningin ko. Hindi tuloy ako makapagfocus sa pagkain. Tiningnan ko ang pagkain ko, di ko alam kung uubusin ko pa ba to o itatapon ko na lang. Di ko alam.

May isang bagay na gumugulo sa utak ko. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kahapon. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Chandler na iiyak sa harapan ko, yun din ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak. I was surprised; he suddenly started crying, so I panicked a bit. Tumatak din sa isipan ko ang sinabi niya na...

"P-pwede bang... huwag na muna tayong magkita?"

Kahit na alam kong ayaw niya kong makita, wala naman siyang magagawa kasi sa iisang school lang kami nag-aaral. It's nonsense. Kasalanan ko ba kung bakit siya umiyak? Ako ba ang dahilan? Nasaktan ko ba siya nung sinabihan ko siyang bumaba ng motor ko? Masyado bang rude ang pagkakasabi ko kaya di niya nagustuhan? O baka naman iba ang dahilan kaya siya umiyak?

I know lagi kong sinasabi na wala akong pakialam sa lalaking yun, pero di ko maiwasang mag-alala nung nakita ko siyang umiyak. Parang may konting kirot akong naramdaman. I should be celebrating if I was the reason he cried. But I couldn't even smile yesterday. It just felt so heavy seeing him like that.

Mas gugustuhin ko pang makita siyang maingay, nakikipagsumbatan sakin, at minumura ako. Hindi ako sanay na ganon siya. Grabe, kung nakita niyo lang talaga kung gaano kalungkot ang hitsura niya kahapon habang umiiyak. Parang... nakakadurog ng puso.

Am I hurting him too much? Have I crossed the line? Have I gone too far with what I've been doing to him? Do I need to stop? Should I stop bullying him?

Inusog ko ang plato ko sa gilid at napayuko na lang ako sa lamesa. Napapikit na lang ako. Di ko na alam ang gagawin ko. It feels like today, I'm not the same Kenjie. Totoo bang concern ako sa kaniya? Ako si Kenjie Zarmosa, wala akong pakialam sa nararamdaman ng mga taong inaapi ko. Kung umiyak man sila o kahit maglumpasay pa sila sa sahig, tititigan ko lang sila atsaka ko pagtatawanan.

That's my nature, that's who I am, that's Kenjie. But what's happening now? I'm feeling guilt and concern for my ultimate enemy? This is wrong; I shouldn't be feeling this way. I shouldn't be sad right now. I should be happy, but I can't even manage a slight smile.

Napaigtad ako nang marinig kong kumalabog ang lamesa at dali-dali kong inangat ang ulo ko. Ate Shaine slammed the table and greeted me with her piercing gaze.

"Umayos ka nga ng pagkakaupo, alam mo bang masama yang ginagawa mo? Kita mong kumakain tayo tapos gumaganyan ka. Umagang-umaga Kenjie, wag na wag mo kong sisimulan. We made up yesterday, didn't we? Don't make us fight again," she said firmly.

Kaagad naman akong umayos ng upo. Ayoko ng magalit na naman siya. Alam niyo bang pag-uwi na pag-uwi ko kahapon, nagulat ako kasi bigla akong sinugod ni Ate Shaine at kinwelyuhan ako nang mariin. Galit na galit siya kumpara kay Mom.

Bali ang nangyari, nasermonan na naman ako. Umay talaga. Nakaupo lang ako sa couch sa sala habang pinapakinggan ang sermon at masasakit na salita na lumalabas sa bibig ni Ate Shaine. I can't believe nagagawa niya kong sigawan sa harapan ni Mom, mukhang pabor naman si Mom kasi malaki ang kasalanan ko.

Kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko pang si Mom na lang ang manermon sakin. Malumanay at mahinahon lang kasi siya kung magsalita kaysa kay Ate na ang bilis magrap at dinadaan sa lakas ng boses. Pinapahiya niya talaga ako kagabi. Kung umasta siya kagabi, akala niya kriminal ako na nahuli niya e. Pero ngayon all goods na, bati na kami hehe.

FLASHBACK

Medyo binilisan ko ang pagpapatakbo ng motor. Anong nangyari ron sa lalaking yun? Bigla na lang umiyak sa harapan ko amputa. Napaka-random e. Pinapababa ko lang naman siya ng motor ko kasi nagmamadali ako. Kanina pa nga ako kinakabahan. Isipin ko pa lang si Mom na hinihintay akong makauwi, natatakot na ko.

In The Midst Of Chaos (Boys Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon