Chapter 20: Past Is Past, Never Discuss

46 3 1
                                    

A/N:

Let me give you a backstory about Chandler's first love, haha. Votes and comments are highly appropriate. Follow niyo rin ako, yun na lang nagpapakilig sakin e :>

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

CHANDLER

11:10 PM...

Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko, humiga ako sa kama at nag-unat ng mga braso. Ang sakit ng likod ko. Kakatapos ko lang sagutan ang activities sa dalawang subject at sinubmit ko na kaagad ang gawa ko sa google classroom.

Hanggang ngayon di pa rin ako nirereplyan ni Max. Gusto ko siyang makausap pero wala e, siniseen niya lang talaga ako. Kung kailan kailangan ko ng makakausap, tsaka pa siya busy. Si Jameson ang nakausap ko kanina. Nilabas ko lang ang dinaramdam ko pero wala akong binanggit na kahit ano tungkol kay Kenjie. Sinabi ko lang na parang di na ko masyadong makapagfocus sa pag-aaral, nababaling sa iba ang atensyon ko at tila ba nawawalan na ko ng gana na pumasok.

Gusto nga akong puntahan ni Jameson kanina pero di ako pumayag. Hapon na rin kasi tsaka nakakahiya naman sa kaniya. baka mamaya busy din pala siya tapos naistorbo ko pa. Okay na sakin na meron akong napagsabihan ng mga bagay-bagay. Mahirap kasi kapag inipon ko 'to at sinarili ko. Kapag may problema naman ako o ang isa saming magkakaibigan, nagsasabihan kami.

Pero medyo di pa mapanatag ang loob ko. Si Max kasi e, bigla na lang hindi nagpaparamdam. Natanong ko kay Jameson kanina kung may problema ba si Max pero wala naman daw. Nakapaglaro pa nga raw sila ng ML at nagrereply naman sa kaniya sa chat.

E bakit sakin, di ako nirereplyan? Puro seen lang? Hindi naman pala siya masyadong busy e. Nagchat kasi ako sa kaniya, ang sabi ko sa kaniya gusto ko sana siyang makausap kung hindi siya busy. Tapos yun, di na ako nireplyan. Seen lang talaga ang inabot ko mula sa kaniya.

Kahapon okay naman kami ah? Nagkaroon kami ng konting tampuhan kasi nga di ba, iniiwasan ko sila pero nagkaayos naman kami. Umuwi kaming masaya. Wala naman akong nasabi sa kaniya na kung ano na dahilan para di niya ko pansinin.

Ano bang problema mo Max?

Hindi ako sanay na ganito siya sakin. Feeling ko tuloy masisira pa ang pagkakaibigan naming tatlo, wag naman sana! Trio kami e! Di pwedeng magduo ang dalawa samin tas male-left out yung isa. Masakit yun. Matutulog na lang ako, nastress pa ko kakaisip kay Max.

Kung tutuusin kapag may problema ako, siya kaagad ang unang makakahalata o makakaalam. Pagkatapos icocomfort niya ko gamit ang words of wisdom at jokes niya. E anong nangyari ngayon? Bakit di siya nagpaparamdam sakin kung kailan kailangan ko ang support ng kaibigan? I mean, Jameson's presence is enough but still... iba pa rin pagdating sa kaniya.

Mas lalo lang akong nalulungkot.

Naiinis din ako sa sarili ko. Ang bobo ko sa part na umiyak ako sa harapan ni Kenjie! Confident pa talaga ako nung sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ako iiyak sa harap ng kalaban. Ngek!? Anong nangyari ngayon ha, self? Di mo napigilan luha mo kanina? Masiyado kang nasaktan? Pinangunahan ka bigla ng takot?

Naku naku naku! Baka mamaya pinagtatawanan ka na ng hilaw na alimasag na yon! Iniisip niyang napakaiyakin mo masyado. Wala na, nasira na reputasyon ko sa kaniya. Iisipin niya ng soft-hearted, lampa, iyakin, tanga, at mahinang nilalang ako. Tama ba tong ginagawa ko? Sinisisi ko ang sarili ko? May dapat ba kong sisihin?

Ang hirap din kasing magpanggap na matapang at palaban. Iyon ang pilit kong ginagawa para ipakita kay Kenjie na kayang-kaya ko siyang tapatan. Hinding-hindi dapat ako nagpapabully sa kaniya. Kung maaari, ako dapat ang mangbully sa kaniya para mabigyan ko kahit papaano ng hustisya ang mga taong pinahiya at pinaiyak niya.

In The Midst Of Chaos (Boys Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon