MAX
Malas talaga. Halos isang linggo kaming walang pasok dahil sa bagyo. Dalawang bagyo ba naman ang pumasok sa Pilipinas e. Thursday na ngayon, last week pa ang huling pagkikita namin nila Chandler at Jameson. Kahit na lagi kaming nag-uusap at nagvivideo call thru messenger, iba pa rin talaga kapag magkakasama kami.
Last week ko pa nagawa yung mga learning activities kaya this week, wala akong pinagkakaabalahan. Halos wala nga akong ginawa kaya nababagot na ko. Feeling ko nga kikintab na ang buong bahay namin dahil sa kakalinis ko e. Di tuloy kami nakagala dahil sa bagyo.
Si Jameson nag-aayang pumunta kami sa rest house nila, magstay sana kami ron ng 3 days pero di natuloy. Di kasi pinayagan si Chandler. Sayang naman kung kaming dalawa lang ni Jameson ang magkasama. Mas masaya pa rin pag kumpleto kaming tatlo.
Gusto ko ng makita si Chan... I mean silang dalawa ni Jameson. Gusto kong bisitahin sila Chandler kaya lang baka di ako papasukin sa bahay nila, nandun kasi Kuya niya e haha. Si Jameson na lang ang pupuntahan ko. Nagsabi naman ako sa kaniya, pumayag naman siya. Di ko lang sure kung makakapunta si Chan kila Jameson ngayon. Sana makapunta siya.
Ala-una na. Kakatapos ko lang maligo at nakabihis na rin ako. Nagsuot lang ako ng simple grey printed t-shirt, baggy cargo pants, at classic converse na sneakers. Ito yung mga libre sakin ni Jameson nung nagMall kami one time. Maliit na bag lang din ang dala ko. Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko, muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Lumabas na ko ng kwarto at pinuntahan si Mama sa sala.
"Ma, alis na po ako." Nakangiting sabi ko at kiniss ko siya sa cheeks.
"Ang bango-bango talaga ng anak ko. Ang ganda pa ng pormahan mo. Binata ka na talaga. Mukhang nalalapit na ang araw na may ipakilala ka sakin na girlfriend mo ah." Excited na sabi niya.
Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Mukhang malabong mangyari yon haha. Natutuwa talaga ako sa tuwing kinocompliment ako ni Mama.
"Ma naman, wala nga akong nililigawan e." Sabi ko naman.
"Ay sus! Oh sige na, mag-iingat ka ha. Ikamusta mo ko sa mga kaibigan mo. May pamasahe ka ba?"
"Meron po. Alis na ko Ma. Lock niyo na lang po yung pinto pagkaalis ko. Tsaka mamayang hapon pa po ako makakauwi. Wag ka ng magluto ng ulam, Ma. Bibili na lang ako pag-uwi ko." Tumango naman siya at nagpaalam na ko.
Lumabas na ko ng bahay at nagcommute papunta sa bahay nila Jameson. Medyo nabasa pa ko, ang lakas kasi ng ulan e.
Habang bumabiyahe, hindi maalis sa isipan ko si Chan. Nag-aalala ako sa kalagayan niya. Kada-scroll ko ata sa facebook, nakikita ko ang pangalan nilang dalawa ni Kenjie. Di ko alam kung nagsasabi siya ng totoo na okay lang siya sa tuwing kinakamusta namin siya ni Jameson. Baka nga iniiyakan niya yung mga hate comments tungkol sa kaniya e. Ayaw niya kasi ganito, ayaw niya ng atensyon.
Buti na lang talaga at tropapips ko si Davis kaya nalalaman ko ang nangyayari kay Chan. Nananahimik lang naman siya pero bigla na lang siyang pinagtripan ng Kenjie na yon. Wala talaga siyang magawa sa buhay, dinamay pa ang kaibigan ko sa mga kalokohan niya. E mukhang wala ata siyang balak na tigilan si Chan e.
Ano ba kasi ang nakita niya kay Chan? Ano ba ang kasalanang ginawa niya sa kaniya?
Nandito naman kaming dalawa ni Jameson para icomfort si Chan at tulungan siyang ibaling sa iba ang atensyon niya. Naalala ko tuloy yung araw na nasaktan ko siya. Nagsisi ako na ginawa ko yun. Pinagsisihan ko na nagalit ako sa kaniya. Dapat pala kinausap ko na lang siya ng deretsahan, hindi yung iniwasan ko pa siya at di pinapansin. Pinaiyak ko pa siya. Ayoko pa namang nakikita ko siyang umiiyak.
BINABASA MO ANG
In The Midst Of Chaos (Boys Love)
Teen FictionLove. It's a word that carries countless meanings. Love for the things you enjoy----like playing the guitar, caring for your pets, playing your favorite sports and games, reading books you're addicted to. Love for your family, friends, you...