CHANDLER
"'Di ko sinasadya." Maangas na sabi niya.
Tingnan niyo, nakuha niya pa talagang magsinungaling. Kung wala lang talagang nakatingin samin ngayon na mga estudyante, baka kanina ko pa siya inupakan.
May something sa paraan ng pagngiti niya para makaramdam ako ng inis. Ano kaya kung paduguin ko iyang nguso mo nang hindi ka na makangiti sakin ng ganyan?
Nagkatinginan kaming dalawa ni Jameson. Parang sinasabi niya sakin na umalis na lang daw kami. Binalik ko ang tingin kay Kenjie at sinuklian ko rin siya ng ngiti.
"Hindi ayos lang, walang problema." Sabi ko nang mahinahon at tinaas-baba ang dalawa kong kilay.
Siyempre kailangan ko ring iparamdam sa kaniya na unbothered ako para siya naman ang mainis.
"Sigurado ka?" Bigla niyang hinawakan ang uniform ko nang mariin na dahilan para mapalapit ako lalo sa kaniya. "Ayos lang sayo na nadumihan 'tong uniform mo? Tingnan mo oh, basang-basa ka na. Tapos 'yang burger na kinakain mo, nahulog sa sahig. Gumawa ka pa ng kalat dito." Inalis ko ang kamay niya sa uniform ko.
"Bingi ka ba? Kakasabi ko lang kanina 'di ba, ayos lang walang problema. Hindi ko kasalanan kung bakit natapon ang mga pagkain ko." Mariing sabi ko.
Saglit siyang umiwas ng tingin sakin at pinasok niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng slacks niya. Nagsalubong ang kilay niya at mabilis na nawala ang ngisi sa labi niya.
"Galing mong sumagot sakin ha." Aniya.
Parang gusto ko na lang siyang suntukin at tumakbo ng mabilis kasi 'di ko na kinakaya ang tingin samin ng mga students. Pero 'di ko naman pwedeng gawin 'yun kasi ako ang mamumukhang masama.
Naglakad na kami ni Jameson at nilagpasan ko na siya. Wala rin naman akong mapapala kung magsusumbatan kaming dalawa. Gumagawa lang siya ng eksena, siya rin naman ang mapapahiya sa huli. Akala ko titigilan niya na 'ko nang bigla niyang hinila ang kamay ko kaya napaharap ako sa kaniya.
"Anong klase ka?!"
Nagulat ako ng sigawan niya 'ko. Mas lalo niya pang naagaw ang atensyon ng lahat ng studyante sa paligid namin. Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong hallway. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Aaminin kong medyo kinakabahan na rin ako. Sino ba namang hindi?
Ano bang problema niya?
Nakakagulat, bigla-bigla na lang siyang sumisigaw. Ang bilis pa magbago ng mood. Siraulo 'ata 'to e.
"Hindi ka man lang nagalit?!" Sigaw niya pa.
'Pag ako nainis, susunggaban ko na 'to. Ano bang gusto niyang gawin ko? Magwala ng dahil lang sa nangyari? Halata naman siguro na sinadya niya na gawin 'yon. Magsasayang lang ako ng oras kung papatulan ko pa siya.
"Sandali nga, ba't mo ba sinisigawan 'tong kaibigan ko? Ano bang problema mo? Kanina ka pa ah." Singit ni Jameson.
"Shut up, I'm not talking to you." Mariing sabi ni Kenjie pero sakin pa rin siya nakatingin. Nakatingin pa rin ang lahat ng studyante samin. Lahat sila ay nagbubulungan. Ito ang ayoko sa lahat, atensyon.
"Oh? Ba't ngayon 'di ka makapagsalita?" Singhal ni Kenjie.
Alam kong gumaganti siya kasi pinikon ko siya sa chat. He's so childish, parang iyon lang e.
"Alam mo Kenjie, ayoko ng gulo. Hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang may gana na magalit e ikaw nga 'tong bumangga sakin. Hindi ko man lang narinig ang SORRY mo." Mahinahon na sabi ko.
Nilakasan ko talaga ang sinabi ko para marinig ng mga chismosang estudyante na siya ang mali. Ang talim ng tingin niya sakin, dukutin ko 'yang mata mo e.
BINABASA MO ANG
In The Midst Of Chaos (Boys Love)
Teen FictionLove. It's a word that carries countless meanings. Love for the things you enjoy----like playing the guitar, caring for your pets, playing your favorite sports and games, reading books you're addicted to. Love for your family, friends, you...