Chapter 25: Weird

45 3 1
                                    

A/N:

O di ba, another update na naman. Dalawang update sa isang araw kahit walang pumipilit sakin HAHAHA. Ganiyan ko kayo kamahal kahit na konti pa lang kayo. Choz! Nasa kalagitnaan na tayo ng story pero matagal pa ang ending.

Pinag-iisipan ko rin kung ano ang magiging official loveteam name nung dalawang magkaaway. Feel free to suggest. Mag-update ulit ako bukas coz y not :>

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

CHANDLER

Nung thursday, wala talaga kaming pasok. Ginawa ko lang maghapon ang mga LAs at sinubmit ko na kaagad. Nung friday, wala ring pasok kasi bumabagyo. Pero kahit na wala kaming pasok nung friday, nag-online class pa rin kami pero wala naman kaming assignment. Kaya apat na araw kaming walang pasok. Nakakatuwa. Ito talaga ang gusto ko e. Mahaba-haba ang pahinga namin. Makakapagrelax ako.

Sabado ngayon kaya paggising ko kaninang umaga, sobrang saya ko. Ang aesthetic kasi. Makulimlim ang mga ulap, bumubuhos ang malakas na ulan, komportable akong nakahiga sa malambot na kama at nababalot ang buong katawan ko ng comforter. Sobrang lamig pa, at payapa ang paligid. Samahan mo pa ng masarap na hot chocolate drink. Naku, talaga naman.

Rainy days are the best.

"Kuya? Gising ka na ba?" Boses ni Davis ang narinig ko sa labas ng kwarto. Kumakatok pa siya sa pinto.

"Pasok!"

Pagpasok ni Davis, may dala siyang plato na may ube pandesal at chocolate drink. Hala! Ang bait naman ng kapatid ko. Dinalhan pa talaga ako ng almusal.

"Saan mo to binili?" Tanong ko sa kaniya nang inabot niya sakin ang plato.

"Si Kuya Hanz bumili niyan, doon siguro sa malapit lang na bakery. Tikman mo, ang sarap."

Kumain ako ng ube pandesal na mainit-init pa. Feeling ko titirik ang mata ko sa sobrang sarap HAHAHA. Nanunuot ang lasa sa dila ko. Ito na ang bagong cravings ko ngayon.

Lumabas na ng kwarto si Davis. Kinuha ko ang upuan at doon ako pumwesto sa bintana. Pinagmamasdan ko lang ang paligid at ang malakas na pagbuhos ng ulan habang kumakain ng ube pandesal. Ang perfect na umaga na 'to.

Wala na rin naman akong gagawin na schoolworks. So baka matulog na lang ako maghapon, magbasa ng libro, manuod ng documentaries or maglaro ng ML kasama sila Max at Jameson. Nagpatugtog na lang ako ng All Too Well (10 mins. Version) ni Mareng Taylor Swift. Ang sarap talagang kumain no? Gusto ko ngang tumaba e, pero walang nangyayari kahit na malakas akong kumain. I have a fast metabolism.

It's both a blessing and a curse.

Sinasabayan ko lang ang magandang kanta habang kumakain ako. Pagkatapos kong kumain, nilagok ko na rin ang chocolate drink. Ah grabe! Ang sarap huhu. Sakto namang bumukas ulit ang pinto ng kwarto ko at nakita ko naman si Davis na may dala-dalang unan.

"Kuya, dito muna ko sa kwarto mo ah. Tatambay lang ako."

"Baka manggulo ka na naman dito."

"Hindi ah, promise!"

"Pakidala muna to sa kusina hehe." Nakangiting sabi ko. Hinagis niya sa kama ang unan na hawak niya at nakasimangot na tinanggap ni Davis ang plato at baso.

Kinuha ko ang cellphone ko at umupo ako sa kama, nakasandal lang ako sa headboard. Nagbrowse muna ako sa messenger. Nakita ko ang chat ni Kenjie. Ano kaya ang nararamdaman niya kasi di ko binabasa ang mga chat niya? Kahit naman na hindi ko i-seen ang chat niya, nakikita ko pa rin naman yun. Nagpo-pop up kasi sa notifications. Nacurious tuloy ako kung ano ang mga picture na sinend niya. Baka mamaya hitsura ko lang pala o pang-asar niya na naman.

In The Midst Of Chaos (Boys Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon