Chapter 2: Sermon

302 10 4
                                    

CHANDLER

Kakatapos lang naming kumain sa isang Chinese Restaurant. Grabe, ang bigat ng katawan ko. Busog na busog kaming tatlo. Ang dami kasi naming nakain. Syempre hindi na namin pinagastos si Jameson at kami na lang ni Max ang nanlibre sa kaniya ng lunch. Sa dami ng napag-usapan namin, nawala na rin kahit papaano ang awkwardness na nararamdaman ko kanina kay Max. Bumalik na ulit sa normal ang nararamdaman ko.

"Tara picture tayo." Biglang sabi ni Jameson.

Tumabi naman sakin 'yung dalawa at si Jameson ang may hawak ng phone. Ewan ko pero natatawa ako sa pwesto naming tatlo. Nasa gitna ako at nakasandal ang chin nila sa magkabilang balikat ko habang nakangiti sa camera. Napangiti na lang din ako nang malapad at nakailang kuha rin kami ng picture.

Pinagtitinginan na nga kami ng ibang tao kasi ang kulit ni Max HAHA. Hindi naman siguro nila kami hinuhusgahan, feeling ko nga natutuwa sila samin kasi makikita ang ngiti sa labi nila.

"Patingin nga ako." Tiningnan namin ni Max ang mga picture. Ang cute naming tatlo! "Pogi ko rito o, 'di ba Chan?"

"Sus pogi raw, wala ka pa sa kalingkingan ko." Asar ko sa kaniya na ikinatawa naman nilang dalawa.

Isesend na lang daw ni Jameson 'yung mga pics namin sa gc at niligpit namin nang maayos ang mga pinagkainan namin. Nakakahiya naman kung aalis kami ng resto na makalat ang lamesa namin. Tsaka para hindi na rin mahirapan ang mga staff.

Lumabas na kami ng Mall at saktong sumalubong samin ang van nila Jameson. Ang family driver nila Jameson ang nagpasok ng mga pinamili namin sa loob ng van at bumiyahe na kami papunta sa mansion----ay bahay pala nila haha.

"Wala na kayong gagawin na learning activities? Tapos niyo na lahat?" Tanong ni Max.

"Tapos nako sa lahat ng subject, kanina lang ako nagpasa." Sabi ko naman.

"Nice, ikaw Jameson?"

"Isang sub na lang kulang ko pero gagawin ko na mamaya. Ikaw tapos ka na?" Tanong ni Jameson.

"Oo, kahapon pa haha." Nakangising sabi ni Max.

"Naks, sipag mo naman pre."

"Syempre! Ginawa ko na kahapon para ngayon wala na kong gagawin."

Nakinig na lang ako sa pinag-uusapan nilang dalawa ni Jameson habang nakasandal ang ulo ko sa bintana ng van at pinagmamasdan ang nadaraanan namin.

"Oo nga pala pre, may itatanong sana 'ko." Sambit ni Max.

"O, ano 'yon?"

"May nililigawan ka?"

Napatingin ako sa kanilang dalawa nang marinig ko ang tanong ni Max. Naging interesado tuloy ako sa usapan nila. Kitang-kita ang gulat sa mukha ni Jameson nang tanungin siya ni Max. Hindi niya siguro inaasahan 'yon kaya nabigla siya.

"Yung paraan mo ng pagtanong akala mo naman alam mo na may nililigawan ako ha." Natatawang sabi ni Jameson pero mahahalata sa boses niya na nataranta siya.

"Huwag mong ibahin ang usapan pre. Oo o wala lang ang sagot. Ano nga?" Nagkibit-balikat naman si Jameson.

"Wala."

"'Di ako naniniwala!" Nakangising sabi ni Max. "Basta sabihin mo samin ni Chan kapag meron na ha? Pakilala mo na rin samin."

"Kung meron man, ayoko nga."

"E? Kala mo naman aagawin! Haha." Natawa ako nang bahagya dahil sa sinabi ni Max. Baliw talaga.

"Hinay-hinay ka sa mga pinagsasabi mo, naririnig ka ni Kuya Leo o." Pagtukoy ni Jameson sa family driver nila. "Baka isumbong pa ko kay Mom haha."

In The Midst Of Chaos (Boys Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon