Chapter 1: Awkward

743 14 4
                                    

MAX

Mabilis akong napabalikwas ng bangon at mabilis na kinuha ang phone ko upang tingnan kung anong oras na. Napamura ako nang makita sa screen na 9:34 AM na. Bumungad din sakin ang sandamakmak na notif at messages. Kaagad akong dumiretso sa banyo para maligo. Nagising ang diwa ko nang maramdaman ang malamig na tubig sa buong katawan ko.

Ang lamig!

Nanginginig pa ako habang nagsasabon ng katawan. Binilisan kong maligo at kaagad din akong nagbihis. Lumabas ako ng kwarto at hinanap ng dalawang mata ko si Mama sa kusina. Nakita ko siya na nagluluto.

"Ma," pagtawag ko sa kaniya. Dahan-dahan niya naman akong nilingon.

"Sa'n ang punta mo?" Tanong niya.

"May lakad po kami ng mga tropa ko." Nakangiting sagot ko.

"'Yung dalawa?" Pagtukoy niya kila Chandler at Jameson. Tumango naman ako. "Kumain ka muna bago ka umalis, maaga pa naman."

Bahagya akong napakamot ng ulo. Sa totoo lang late na late na talaga ako.

"Ma, nagmamadali po kasi ako. Late na ako, alas-dies ang usapan namin. Baka magalit sila sakin hehe." Pagdadahilan ko. Kahit na sinabi ko 'yon, napilitan pa rin akong umupo sa upuan kasabay si Mama. Alam kong wala pa rin akong takas haha.

"Hindi naman gano'n 'yung mga tropa mo. Matagal ko na silang kilala, makakapaghintay naman ang mga 'yun." Napatungo na lang ako at naghanda na kami ng kakainin namin.

Gusto ko pang magdahilan para payagan na ko ni Mama na umalis pero 'di ko na lang ginawa. Ayaw na ayaw niyang umaalis ako nang walang laman ang sikmura. Baka mamaya sermonan niya na naman ako na ginugutom ko ang sarili ko.

"Silang dalawa lang po kasi ang nando'n." Mahinang sabi ko. Nagtatakang nilingon niya ako.

"Ano naman ngayon kung silang dalawa lang ang nando'n?"

Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Ngayon ko lang na-realize ang sinabi ko. Ano ka ba naman Max?! Kung anu-ano ang pinagsasabi mo! Baka kung ano ang isipin ni Mama. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Bakit ko ba kasi sinabi 'yon?

"Ha? A-ah wala po hehe." Pilit ang ngiting sabi ko.

Tumango na lang si Mama at nagsimula na kaming kumain. Mabuti na lang talaga at pinilit ako ni Mama na kumain, nagugutom din kasi ako. Grabe ang sarap ng luto niya pero binilisan ko pa ring kumain. Gusto ko pa ngang magsandok ng kanin kaya lang late na 'ko, tsaka ayokong paghintayin ang mga kaibigan ko.

Habang kumakain, napag-usapan namin ni Mama ang tungkol sa pag-aaral ko. Tinatanong niya 'ko kung nahihirapan daw ba ako, sabi ko naman hindi. Walang problema. Kaya niya siguro natanong 'yon kasi napansin niya na halos anong oras na 'kong natutulog no'ng last and this week. Puyat tuloy ako lagi.

"Ma, walang mahirap sakin basta nandyan 'yung mga tropa ko." Natatawang sabi ko. "Medyo busy lang po talaga, at saka ang daming activities na kailangang ipasa. Andiyan naman po si Chandler para tulungan ako, parang tutor ko na nga 'yun e." Napangiti naman si Mama.

"Kamusta na nga pala siya? Matagal-tagal na rin no'ng huli ko siyang nakita ah." Uminom ako ng tubig at ngumiti kay Mama.

"Okay lang po siya. Kung gusto mo Ma, papuntahin ko siya rito bukas?" Napangiti naman siya nang malapad at patuloy na kumain.

"Oh sige, papuntahin mo siya rito bukas kung wala siyang masyadong gagawin. Isama mo na rin si Jameson."

"Ha?"

"Isama mo na rin kako si Jameson."

"Bakit po?"

"Anong bakit po? Syempre tropa mo rin 'yon 'di ba?"

In The Midst Of Chaos (Boys Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon