Chapter 22: Magkaaway

42 3 0
                                    

CHANDLER

Kinakabahan at naeexcite ako nang makatapak ako sa loob ng Ravenwood Academy. Nagkahiwalay na kami ng landas ni Davis kasi sa kabilang building ang classroom niya. Naglakad ako nang mabilis at tinahak ang daan papunta sa classroom namin.

Konti pa lang ang mga kaklase namin pagkarating ko. Sakto namang nakita ko sina Max at Jameson kaya't nilapitan ko sila at kaagad na umupo.

"Pre," nagfist bump kaming dalawa ni Jameson pagkatapos ay hinarap ko si Max. Hindi siya nakipagfist bump sakin.

Tahimik lang siya habang nagbabasa ng notes. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Jameson at nagkibit-balikat lang siya sakin. Mukhang wala rin siyang idea kung bakit ganito ang pakikitungo sakin ni Max.

"Max, kamusta?" Tanong ko sa kaniya.

No response.

Kahit side eye wala.

Ayaw niya talaga akong tingnan. Nag-aalala ako. Galit nga ata to sakin. Di ako pinapansin e. Ano ba kasing nagawa ko at tinatrato niya ako na para bang isa lang akong multo? As far as I remember, wala akong ginagawang masama. Nagkaayos na kaming dalawa nung Lunes ah. E bat ngayon naggaganto to sakin?

"Pre," ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya pero kaagad niyang inalis yon.

"Wag kang magulo." Mariing sabi niya.

Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya at umayos ng upo. Ngayon na nga lang kaming nag-usap tas yun pa talaga ang unang maririnig ko mula sa bibig niya. Nararamdaman ko na naninikip ang dibdib ko, nasasaktan ako. Kung umasta siya akala niya di niya ako kaibigan e no?

"Hayaan mo na lang muna si Max, baka wala lang sa mood. Kanina pa yan ganiyan pagpasok ko rito sa room e." Mahinang sabi ni Jameson at nginitian ako nang bahagya. Tumango na lang ako.

Kaya nga gusto ko siyang makausap para itanong kung bakit di niya ako pinapansin? Bakit niya ako iniiwasan? Para naman hindi ako nagmumukhang tanga rito kakaisip kung anong ginawa ko sa kaniya. Hindi naman siya ganiyan e.

Anong nangyari sa Max na kilala ko? Nasan na yung Max na sweet at caring? Bakit parang ibang Max ang katabi ko ngayon?

Pumasok na ang first subject teacher namin. Bumalik na rin sa kani-kanilang pwesto ang mga kaklase ko.

"Good morning." Nakangiting bati ni Sir samin.

"Good morning po, Sir." Sabay-sabay naming sabi.

"O, bat parang ang tatamlay niyo ngayon? Haha. Nakapagpasa na ba kayo ng LA9 niyo? Hanggang ngayon na lang deadline nun ah, 11:59 pm. Sige, magcheck muna ko ng attendance. Tapos yung mga kaklase niyo na wala pa rito sa room, sasayaw ah hahaha." Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Nagsimula ng magcheck ng attendance si Sir.

"Alcantara?"

"Present."

"Aurton?"

"Present po." Sabi ko naman.

Hindi nga pala kami naka-sitting arrangement kaya pwede kaming umupo sa upuan na gusto namin. Pasimple kong tiningnan si Max, seryoso lang ang hitsura niya habang nagbabasa ng notes sa notebook. Hindi ako sanay na ganito siya sakin. Nacucurious tuloy ako kung ano ang iniisip niya ngayon. Hindi ba siya naaawa sakin? Natitiis niya talaga ako?

20 minutes later...

Kakatapos lang magdiscuss ni Sir. Ang topic nga pala namin ngayon sa ORGMA ay Concept and Nature of Staffing. Di ko pa ata nabanggit na ABM students kami. Anyways, meron kaming group activity. Each group dapat ay merong 3 members. Kanina nga naghahanap si Max ng mga kamembers niya. Pinilit lang siya ni Jameson na kaming tatlo na lang ang magkakagrupo.

In The Midst Of Chaos (Boys Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon