CHANDLER
Nahihilo pa 'ko habang bumababa ako ng hagdan. Hawak-hawak ko ang sentido ng ulo ko habang minamasahe ito. Kakagising ko lang kasi at hindi maganda ang naging tulog ko kagabi. Nang tuluyan akong makababa, sakto namang nakita ko si Kuya Hanz na nagsasalamin habang inaayos ang kaniyang buhok. Napansin ko ring naka-casual siya ng suot.
"Aalis ka?" Tanong ko. Tiningnan niya ako sa pamamagitan ng salamin at nagtaas-baba ng kilay.
Bigla akong nakaramdam ng tuwa nang makumpirma ko na aalis nga siya. Alam niyo ba kung anong ibig sabihin no'n? E 'di walang bossy dito sa bahay na uutus-utusan kami ni Davis. Magagawa namin ang mga bagay na gusto naming gawin at walang sinuman ang mangungulit sakin.
Maagang pumasok sa trabaho si Papa kaya minsan hindi na namin siya nasusulyapan tuwing umaga. Medyo late rin kasi kaming nagigising.
"Nagsaing na ko, nagluto na rin ako ng ulam. Kumain na lang kayo r'yan ni Davis." Aniya at sinukbit ang shoulder bag niya. Lumabas na rin siya ng bahay at umalis.
Umupo ako sa sofa at binukas ang tv, nanuod lang ako ng balita. Halos 'di ko nga maintindihan ang pinapanuod ko kasi wala pa talaga ako sa katinuan. Medyo natutulala pa 'ko kaya 'di ko maproseso ang pinapanuod ko. Idagdag mo pa 'yung Kenjie na 'yon.
Naguguluhan pa rin ako kung paanong nangyari na nagka-atraso ako sa lalaking 'yun. Kinausap ko siya kagabi tungkol sa ginawa niya kahapon. Handa na sana akong magsorry sa kaniya kung kinausap niya lang ako nang matino pero wala e, magulo siya kausap. Walang kwenta ang mga napag-usapan namin sa messenger. Sinira niya lang ang gabi ko.
Kingina siya.
FLASHBACK
'Di ko na matandaan kung ilang minuto na akong nakatingin sa phone ko. Pinag-iisipan kong mabuti ang gagawin ko ngayon. Huminga ako nang malalim at dahan-dahan na pinindot ang unblock button. Madali lang naman ang sasabihin ko, magsosorry lang naman ako sa kaniya 'di ba? Hindi ako makapaniwala na ako pa talaga ang hihingi ng tawad imbes na siya. Pero sige para wala ng problema, gagawin ko na.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang tatlong tuldok na gumagalaw, typing siya!
Kenjie:
'Di mo ko matiis kaya
inunblock mo ko?Anong sabi niya? 'Di ko raw siya matiis? Akala niya naman talaga may pakialam ako sa kaniya.
Kenjie:
Bilis magseen ha.Kenjie:
May sasabihin ka ba?Ito na...teka, ano ba ang ichachat ko? Sorry kasi pinahiya mo 'ko sa harap ng mga kaklase at kaibigan ko kanina? Sorry kasi nagalit ka sakin ng 'di ko man lang alam ang dahilan? Sorry kasi----
Nagulat ako nang bigla siyang tumawag sakin, kaagad ko namang in-end call. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ba 'ko? Totoo bang natatakot ako sa kaniya? Erase erase!
Kenjie:
Nangtritrip ka na
naman 'no?Kenjie:
Oh sige, pagbibigyan kita.
I-likezone mo ulit ako.Kenjie:
Pasensyahan na lang
kapag nagkita ulit tayo.Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi niya. Siyempre bago ako magsorry sa kaniya, kailangan ko munang malaman kung bakit niya 'ko pinagtripan.
Chandler:
Anong problema mo sakin?
Wala naman akong ginawa sayo
para magalit ka ha
BINABASA MO ANG
In The Midst Of Chaos (Boys Love)
Teen FictionLove. It's a word that carries countless meanings. Love for the things you enjoy----like playing the guitar, caring for your pets, playing your favorite sports and games, reading books you're addicted to. Love for your family, friends, you...