CHANDLER
I hate mondays.
Tulala lang ako buong biyahe. Ang sakit din ng ulo ko, anong oras na 'ko nakatulog kagabi. Mali ako sa part na nag-overthink ako kagabi e hindi naman big deal ang conversation namin no'ng Kenjie na 'yon. Walang kwenta siya kausap! Siya pa ang may ganang magalit pagkatapos niya akong pagsalitaan ng hindi maganda. Sino ba namang matutuwa sa ginawa niya 'di ba? Wala.
Nang makarating ako sa school, dumiretso kaagad ako sa canteen. Nakita ko naman sina Max at Jameson na nakaupo do'n sa lagi naming pwesto. Pinuntahan ko sila at umupo ako sa upuan.
"Ba't ngayon ka lang?" Bungad na tanong ni Max sakin. Naghikab pa muna ako bago sagutin ang tanong niya.
"Napuyat ako, wala nga akong ganang pumasok e."
"Nga pala, 'di ba nagchat ka kahapon sa gc? Ano 'yong inunsent mo?" Tanong naman ni Jameson.
"Wala 'yon."
"Ano nga?"
"Ayaw pa nito sabihin oh."
"Napindot ko lang 'yung like button ng ilang beses. Kaya inunsent ko na lang. Tsaka kahit naman na magchat ako sa gc ng kung ano, ang bagal niyo pa ring magseen." Sambit ko.
"Sinungaling ka talaga." Natatawang sabi ni Jameson.
6:30 pa lang ng umaga, sobrang lamig. Kanina pa tumataas ang balahibo ko. Kahit na white polo long sleeve at navy blue vest ang suot naming uniform, nilalamig pa rin talaga ako. Idagdag mo pa mamaya ang aircon sa classroom namin. Dapat pala nagdala ako ng jacket, baka magyelo na ako mamaya.
"Tulog pa 'ko no'ng time na nagchat ka." Sambit ni Max.
"Itong si Jameson alam kong gising na 'to no'ng nagchat ako e. Alam kong nareceive mo na 'yong message pero ayaw mo lang akong i-seen." Natawa naman siya.
"Sorry na, naglalaro kasi ako hahaha."
"Ano ba ang chinat ni Chan?" Tanong ni Max.
"'Di ko nga alam, 'di ko napansin 'yong chat niya e. Ano ba talaga ang chinat mo?" Tanong naman sakin ni Jameson.
Ikwento ko ba sa kanila ang nangyari kahapon? Huwag na lang siguro. Ako na nga ang nagsabi 'di ba, wala na kong pake sa shokoy na 'yon. Tsaka ayoko ng palakihin ang naging away namin no'ng Kenjie na 'yon.
Masama ang ugali niya!
Sa una pa lang, alam kong siya 'yong tipo ng tao na hindi gagawa ng maganda. Buti na lang talaga at never ko siyang inidolo.
Kaya feeling ko deserve niya kahit papaano ang likezone mula sakin. Galit na galit siguro 'yon, niratrat ko ba naman ng like e haha.
Bakit kasi ako pa talaga ang pagtatanungan niya e ang dami namang iba r'yan? Ang tanong, ano ba talaga ang dapat na itatanong niya sakin no'ng time 'yun? Ang sabi niya kasi...
Kenjie:
It's a fucking personal question
you idiot.Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng inis nang maalala ko ang sinabi niya. Ba't kasi naglagay pa siya sa chat niya ng fucking at idiot sa dulo? Nagalit tuloy ako sa kaniya. Pwede naman kasing 'It's a personal question'.
"Hoy!" Napatingin ako sa kanilang dalawa nang sigawan nila ako.
"Ano ba? Hinaan niyo nga mga boses niyo!" Napatingin tuloy samin 'yung ibang students.
"Kanina pa kami tanong ng tanong ta's 'di mo naman kami sinasagot!" Nginitian ko na lang sila sabay kindat.
"Secreeeet."
BINABASA MO ANG
In The Midst Of Chaos (Boys Love)
Teen FictionLove. It's a word that carries countless meanings. Love for the things you enjoy----like playing the guitar, caring for your pets, playing your favorite sports and games, reading books you're addicted to. Love for your family, friends, you...