Chapter 14: Himala

101 3 0
                                    

CHANDLER

Lumipas ang ilang araw at lunes na naman ngayon. Nakakabadtrip! Akala ko tuluyan ng makakalimutan ng mga tao ang tungkol saming dalawa ni Kenjie pero hindi. Wala na 'atang katapusan ang pagtunog ng notification bell sa facebook ko. Ang dami kong nababasa na mga negative comments at mga post na pinapatamaan ako, karamihan sa kanila ay mga babae.

Nagrarant sila tungkol sakin. Imbes na ang idol nila ang punahin, ako ang pinagtutuunan nila ng pansin. Wala naman silang mapapala sakin kahit na ilang beses nila akong tanungin kung bakit ginawa 'yon ni Kenjie sakin.

Hindi ba nila kayang mag-move on? Pare-pareho lang pala kaming hindi makamove-on.

Napaface-palm na lang ako. Grabe, hiyang-hiya na 'ko. 'Di ko alam kung magagawa ko pang ipakita ang pagmumukha ko sa iba. 'Di ko alam kung paano ako magrereact sa ganitong sitwasyon dahil bago sa akin ang ganito. Ngayon lang 'to nangyari sa buong buhay ko.

Ang daming tumatakbo sa isip ko kung ano ba ang ginawa ko para malasin ng ganito. Obviously, this is all Kenjie's fault. 'Di ko alam kung bakit siya nagpapansin sakin at 'di ko rin alam kung bakit ako ang pinagtritripan niya.

He's so immature.

Akala mo isa lang siyang elementary student na nang-aasar ng mga ka-schoolmates e, pero 'di ko na lang siya papansinin. Kaya lang, mas lalo ata siyang naiinis at nagagalit sakin kapag hindi ako nagpapakita ng interes sa mga pinaggagawa niya.

Dati naman, hindi siya ganiyan. Naririnig ko na dati pa ang pangalan niya. He is well-known and grew up in an affluent family. Dapat nga, matino siya kasi 'kilala' ang parents niya. Baka hindi siya mahal ng nanay niya kaya gano'n ang ugali niya. I've known for a long time that he's truly a bully and a heartbreaker. I wonder how many women he has made cry, deceived, and played with?

"Kuya?"

Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita ko ang nag-aalalang mukha ng kapatid ko na si Davis.

"Hmm?"

"Kuya, totoo ba 'to?" Kumunot naman ang noo ko.

"Ang alin?"

Lumapit ako sa kaniya at pinakita niya sakin ang screen ng phone niya. Nang makita ko ang tinutukoy niya, nabalot ng takot ang buong katawan ko. Nanlalamig din ang likod at mga kamay ko. Tiningnan kong maigi si Davis, bahagya pa akong napalunok. This is so fucking embarrassing. Paano ko 'to ipapaliwanag sa kaniya?

"H-hindi iyan totoo."

Iyon na lang ang sinabi ko. Umiwas ako ng tingin at nagtungo na lang sa kusina upang maiwasan ang usapan tungkol do'n. Sinundan niya pa rin ako at nangulit na tila ba hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Kuya, trending 'to oh. Pangalan mo ang mga nasa post, ikaw ang minemention nila. Imposibleng hindi 'to totoo. Kitang-kita rin ang mukha mo. Picture niyo ni Kenjie ang nandito. Alam kong hindi rin 'to edited kasi merong iba't ibang anggulo ang pictures."

Napabuntong-hininga na lang ako at uminom ng malamig na tubig tsaka ko nilingon si Davis. Hindi ko maitatanggi na kitang-kita mula sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Gusto ko lang makumpirma ang lahat. Kuya, paano 'to nangyari?"

'Di ko alam kung bakit ako kinakabahan e wala naman akong ginawang masama, o baka naman nahihiya ako. Kasalanan 'to ng ugok na 'yon e. Ayoko ng kumalat ang issue naming dalawa. 'Pag nakarating 'to kay Kuya, siguradong malalagot din ako. Baka bigla na lang siyang pumunta ng school namin para ireport ang lahat. Sobrang strict at overprotective no'n sakin at ayaw na ayaw niyang may nananakit sakin.

In The Midst Of Chaos (Boys Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon