CHANDLER
6:00 pm...
Nandito ako sa kwarto, nagpapahinga. Kakatapos lang naming kumain ng hapunan. Nanunuod lang ako ng documentary sa youtube habang kumakain ng snack. Napalingon ako sa pinto nang bumukas 'yon at nakita ko si Kuya Hanz na pumasok. Hindi man lang kumatok bago pumasok.
"Bakit?" Tanong ko.
Hindi niya ako pinansin at wala ring lumabas na kahit na isang salita mula sa bibig niya. Naglakad lang siya at tumayo sa full-length mirror at flinex niya ang muscles niya. Napailing na lang ako. Lagi niya 'yang ginagawa rito sa kwarto ko kaya nakakapikon. 'Di ko na lang siya pinagtuunan ng pansin at pinagpatuloy ko na lang ang panunuod sa youtube.
"Kuya!" Napalingon ulit ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Davis at pumasok sa loob. May hawak siyang unan at bigla niya na lang pinaghahampas si Kuya Hanz.
"Wait lang!" Natatawang sabi ni Kuya. Mabilis na kinuha ni Kuya ang unan ko at nagsimula na silang maghampasan ng unan dito sa loob ng kwarto ko.
"Hoy, anong ginagawa niyo! Ano ba! 'Wag kayong manggulo rito!" Inis na sabi ko pero wala silang narinig at nagpatuloy pa rin sila sa paghahampasan habang tumatawa. Aksidenteng natamaan ang snack na kinakain ko at kumalat 'yon sa kama pati sa lapag. Akala ko titigil na sila pero hindi.
"Ano ba?!" Sigaw ko.
'Di pa rin sila nakikinig! Nagtatawanan pa rin silang dalawa habang patuloy na naghahampasan ng unan. Lumabas naman ako ng kwarto at nagtungo sa sala. Kanina pa nag-iinit ang ulo ko.
"Ma! Si Kuya pati si Davis nanggugulo na naman sa kwarto ko!" Sumbong ko kay Mama na nanunuod ng tv.
"Titigil din 'yang mga 'yan." Aniya.
"Ma, nagkakalat sila!"
Napabuntong-hininga si Mama at patuloy na nanuod ng tv. Napakamot na lang ako ng ulo at nakasimangot na bumalik sa kwarto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na ang dami ng kalat, gulo-gulo na rin ang mga gamit ko.
"Saluhin mo to!" Binato ni Davis si Kuya ng itlog. Natamaan si Kuya sa dibdib at nabasag iyon. Literal na nanlaki ang mga mata ko.
What the fuck?!
"Aba! Lumalaban ka pa!" Natatawang sabi ni Kuya Hanz at binuhos niya ang baso na may lamang coke kay Davis at pareho silang nagtawanan. Para silang mga bata! Wala silang ibang ginawa kung hindi guluhin ang mga gamit ko at magkalat.
"Tumigil na nga kayo!" Galit na sigaw ko. Still, 'di pa rin nila ako pinakinggan. "Ang dumi na ng kama ko!"
Ang dungis na nilang tingnan. Basang-basa na sila.
"Kuya sali ka?" Kaagad na lumapit sakin si Davis at pinahid sa mukha ko ang egg yolk. Nagtawanan ulit silang dalawa at nag-apir.
"Davis, ano ba! Baliw na ba kayo ha?!" Mas lalo pa silang nagtawanan. Tinulak naman ako ni Kuya Hanz sa kama at pinaghahampas nila ako ng unan.
Shit!
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
6:40 pm...
Kanina pa nakakunot ang noo ko at nakabusangot ang mukha. Nakahiga na kaming tatlo sa kama at nasa gitna nila akong dalawa. Katatapos lang naming magshower.
"Kuya, wag ka ng magalit samin." Malambing na sabi ni Davis.
"Paano ako hindi magagalit sa inyo e mga baliw kayo. Tingnan niyo nga kung anong ginawa niyo sa kwarto ko, ang daming kalat. Ang dumi ng kama, nagkalat ang eggshells sa sahig, natapon pa 'yung coke sa kama at kumalat 'yung kinakain ko kanina. 'Yung unan ko nakakalat lang sa kung saan. Sa tingin niyo ba matutuwa ako ha? Gulo-gulo na ang mga gamit ko." Inis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
In The Midst Of Chaos (Boys Love)
Novela JuvenilLove. It's a word that carries countless meanings. Love for the things you enjoy----like playing the guitar, caring for your pets, playing your favorite sports and games, reading books you're addicted to. Love for your family, friends, you...