A/N:
Hello, I'm back! I know sobrang tagal ng update, sorry okie? Na-busy kasi ako at merong writer's block! Sana magsunod-sunod na ang update huhu. Namiss ko sila Chandler e HAHAHA. Happy reading!
Warning: Maraming mura, bad words.
• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •
KENJIE
Pinanuod lang naming lumabas ng kwarto si Chandler. Sumunod naman sa kaniya ang magaling kong kaibigan kasi ituturo niya raw sa lalaking 'yun kung nasaan ang guest room. Napahampas na lang ako ng kama dahil sa sobrang inis.
Ang daming sinasabi ng Chandler na 'yun e papayag din pala. Nakakairita ang boses niya sa totoo lang. Pasalamat siya at hindi ko pa nababawi ang lakas ko, kung hindi baka siya pa ang pagbuntungan ko ng galit. Mukhang hindi talaga siya natatakot sakin. Nakita niyo ba kung paano niya ko kausapin kanina? Ang lakas niyang mang-asar!
"Anong gulo na naman ang pinasok mo?" Bungad na tanong ni Miller nang makabalik siya rito sa kwarto.
I didn't answer his question and just lay down on the bed. I buried my face in the pillow and closed my eyes. Ayoko na lang pag-usapan ang nangyari. Tinandaan ko talaga ang pangit na mukha nung nakaalitan kong lalaki.
Ang yabang din nung tanginang iyon e. Akala mo siya ang nagmamay-ari ng lugar e. Naglalakad lang ako nang tahimik tas bigla ba naman akong sinabihan na dayo raw ako. Akala siguro naghahanap ako ng away e napadaan lang naman ako ron.
Porket ngayon lang siya nakakita ng gwapo na katulad ko nang harap-harapan. Nung una kalmado pa ko, pero hinahamon niya talaga ako ng away kaya pinagbigyan ko na. Nung una bugbog sarado siya sakin. Kita ko yung takot sa mga mata niya.
Di ko naman alam na magtatawag pala siya ng ibang kakilala niya kaya napagtulungan ako. Tarantado kang pangit ka, humanda ka sakin kapag nakita kitang mag-isa. Ikaw naman ang bubugbugin ko at sisiguraduhin kong di ka makakalakad ng ilang araw.
"Ken ano ba! Kinakausap kita ah." Mariing sambit ni Mil.
"Pagod ako."
"Sino yung mga nakaaway mo? Taga-Ravenwood din ba yung mga yon?"
"Mga tambay lang yun gago. Kita mo ba mga mukha non? Ang aasim."
"E bakit ka nga napaaway?"
"It's nothing. Can you get me a towel? I just want to shower before going to bed." Sabi ko at bahagya kong sinilip si Miller. Nakasimangot siya at masama ang tingin sakin.
"Tanginamo Kenny umayos ka ha. Stay out of trouble. Look at yourself—how are you going to get home like that? Yare ka talaga sa Ate mo kapag nakita kang ganiyan. Sana di mo na lang pinatulan yung mga tambay na yun. Paano kung may patalim pala yung isa sa mga nakaaway mo? Edi nalintikan ka pang gago ka."
"Nangyari na e. Ano pang magagawa mo?
"Hindi mo siguro iniisip ang sarili mo e. Alam mong kami ang malalagot ni Zander kapag may nangyari sayong hindi maganda. Nag-alala ako ng sobra sayo kanina. Di ko alam kung dadalhin ba kita sa hospital o iuuwi rito sa bahay."
"Oo na, ang daldal."
"Wag ka ng magshower, di mo nga magawang makatayo nang maayos e. Hinang-hina ka pa oh."
I frowned the whole time I was talking to Mil, but deep down, I was really happy about what he was saying. Ang sarap lang sa feeling na kahit na tarantado ka, may mga tao pa ring nag-aalala sayo at aalagaan ka. Ang bait talaga ng tol ko.
BINABASA MO ANG
In The Midst Of Chaos (Boys Love)
Teen FictionLove. It's a word that carries countless meanings. Love for the things you enjoy----like playing the guitar, caring for your pets, playing your favorite sports and games, reading books you're addicted to. Love for your family, friends, you...