CHANDLER
Kachat ko kanina sila Max at Jameson sa gc namin. Nagbabalak silang gumala kami bukas. Nagsabi ako sa kanila na hindi ako sure kung papayagan ako. May bagyo kasi haha. Kaya sinabi ko na lang sa kanila na next week na lang kapag humupa na ang bagyo. Pumayag naman silang dalawa.
Tinatanong nga nila ko kanina kung anong pinagkakaabalahan ko ngayon. Sinabi ko na lang na nagpapahinga ako sa bahay. Nagsinungaling pa tuloy ako. Ayoko namang sabihin na nandito ako kila Kenjie, ayoko ng mag-away-away na naman kaming tatlo. Pag nalaman pa to ni Max, siguradong di niya na ko papakinggan. Baka itakwil niya na ko bilang kaibigan niya haha.
Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Ito na naman ako, naguiguilty. Pero di ko naman to ginagawa para maging kaibigan si Kenjie, ginagawa ko to kasi... kasalanan ko kung bakit siya nagkasakit. Kawawa naman siya kung walang mag-aalaga sa kaniya ngayong mag-isa lang siya.
Napatingin ako sa cellphone ni Kenjie sa kama nang biglang tumunog. Chineck ko naman yun at nakita kong may tumatawag. Mil ang nakalagay sa screen tas may nakalagay pang apoy na emoji. Si Miller ata to. Kaagad naman akong kumatok sa pinto ng bathroom.
"Kenjie!"
"Pasok ka lang."
"Tanga, tumatawag kaibigan mo sa cellphone mo."
"Then answer it."
"Ayoko nga! Di ka ba nag-iisip? Malalaman niyang magkasama tayong dalawa. Kunin mo na to, kausapin mo."
"Wag na, hayaan mo na lang. Lapag mo lang sa kama cellphone ko, tatawagan ko na lang siya mamaya."
At yun nga ang ginawa ko. Nilapag ko na lang sa kama ang cellphone niya hanggang sa tumigil na ang tawag. Ngayon ko lang narealize na may kaibigan nga pala ang kumag na yon. Bat di na lang sila Miller ang pinapunta niya rito sa bahay nila para alagaan siya? Magaling naman sigurong mag-alaga si Miller. Dapat siya na lang. Pero okay na rin siguro to, baka mamaya magtanong pa siya kay Kenjie kung bakit siya nagkasakit. For sure ipagkakalandakan niya na kasalanan ko.
Nagbrowse na lang ako sa facebook ng kung anu-anong post. Napadaan tuloy ako sa unofficial facebook group ng Ravenwood. Kinakabahan ako. Tiningnan ko ang mga post. Nakaramdam ako ng lungkot kasi may mga post pa rin tungkol saming dalawa ni Kenjie. Kada post ata halos eight hundred plus ang reacts, ang dami ring comments at shares kada post.
Sandamakmak tuloy ang notifications ko. Ang dami kasing nagmemention sakin. Kadalasan puro babae ang mga nagpopost. Pinindot ko ang isang post dahil naagaw nito ang atensyon ko. Nakalagay kasi ron na clout chaser daw ako. Tiningnan ko naman ang mga comment sa post na yon at binasa ang iilan.
'Gusto rin atang sumikat haha.'
"That's what you call grabbing the opportunity, lol."
'Ginagawa talaga ang lahat para lang maging matunog ang pangalan ng section nila.'
'True beh, napansin lang siya ni Kenjie Zarmosa, di na siya tumigil.'
'Pati lalaki pinoproblema niyo lmao.'
'Hoy kaklase ko yan, di naman ganiyan si Chandler.'
'Takot mabash to, naka-anonymous e HAHA.'
'Inggit lang kayo kasi never kayong pinansin ng idol niyo.'
'Nananahimik ang section Emerald, ginagawan niyo pa ng issue. Mga papansin talaga.'
'Mga sasampal sa nagpost nito:'
'Wag niyong inaano section namin ha, mga inggiterang palaka. Mga kulang kayo sa bakuna.'
'Minor moments.'
BINABASA MO ANG
In The Midst Of Chaos (Boys Love)
Teen FictionLove. It's a word that carries countless meanings. Love for the things you enjoy----like playing the guitar, caring for your pets, playing your favorite sports and games, reading books you're addicted to. Love for your family, friends, you...