"GREAT! Seems like we're lost in the middle of nowhere!" Nakabusangot ang mukha ni Ian habang nakatuon ang mga mata niya kay Venus. "What now, genius?"
"Chill ka lang, p'wede? At saka, paano naman naging middle of nowhere ito kung ang daming bahay sa paligid?"
Isang ngiti ang sumilad sa mukha ng dalaga na siyang nagpalunok sa kanya ng sariling laway. He really should stop being so fragile around girls that looked like Candice. It's nostalgic yet depressing at the same time.
"I shouldn't have trusted you." He cleared his throat then looked away. "Damn, I only had a week to fulfill this annoying bucket list and now I'm los—"
"—ilang taon ka na ulit?" kalmadong tanong nito sa kanya. Nagawa pa nga nitong ipagkrus ang dalawang braso bago paulit-ulit na ipinadyak-padyak ang kanang paa sa lupa.
That caught his attention once more. He just stared at her, eyebrows furrowed. Kung bakit ba naman kasi nagtiwala siya sa babaeng no'n lang niya nakilala. Well, siguro nga'y nabighani siya sa gandang taglay nito at lalo pa siyang na-enganyo nang magpresinta itong maging tour guide niya. At sa totoo lang, nais na niyang batukan ang sarili dahil doon.
"Huy, ano? Tinatanong kita," muli nitong usal sa kanya. "Nakakaintindi ka naman ng Tagalog 'di ba?"
"I'm seventee—hey! Does that even matter? I need to know whether you know these places or not!"
Tumangu-tango ito sa kanya kaya naman mas lalong nag-init ang ulo niya. Alam niyang gusto siyang parusahan ng mga magulang niya dahil sa nagawa niyang gulo sa school. But spending another minute in this country feels like suicide. He would rather lock himself inside his room and play games all day.
"Why are you staring at me like that? I'm asking you a ques—"
"Pinaglihi ka siguro sa sama ng loob 'no?" pagputol ni Venus sa sinasabi niya. Humakbang ito palapit sa kaniya, dahilan ng bahagya niyang pag-atras.
"W-what the hell are you doing?" He wanted to shoo this girl away from him but there's something that's preventing him from doing so. Nang tuluyan na itong makalapit sa kanya'y halos mapapitlag siya na animo'y daig pa ang nakuryente, lalo nang bigyan siya ng tapik nito sa braso.
"Kung ano man ang pinagdadaanan mo, okay lang 'yan!" nakangiting wika nito sa kanya. "At 'wag kang mag-alala! Kayang-kaya natin tapusin 'yang nasa bucket list ng lola mo, bago matapos ang isang linggo."
Hinawakan nito ang kanyang kamay at saka siya muling hinila papunta kung saan. Trusting someone he barely knew has always been a risk for him — but he's willing to take another risk to fulfill a journey of a lifetime.
==••==
"Seven Days of a Lifetime"
Written by: MissMaChy23A Travelogue Series written by various authors under different genres. Let us take you to different destinations in the Philippines. You may read our stories in order:
Puzzle of my Heart by: happysnowfeet
Seven Days of a Lifetime by: MissMaChy23
Whispering Secrets by: Velvet_Summers
Reflection by: Wintermoonie
All Rights Reserved © 2022
BINABASA MO ANG
Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]
AdventureDalawang magkaibang indibidwal ang pagtatagpuin ng pagkakataon: Isang lehitimong Pinoy na naging dayuhan sa lupang sinilangan; at isang dalagang nagnanais na makaalis sa lupang kanyang tinubuan. Tipikal na tubig at langis tuwing sila'y magsasalpukan...