HINDI na mabilang ni Venus kung ilang lugar na ang kanyang napuntahan at trabahong napasukan. Magmula sa pagiging roomkeeper ng mga local motels hanggang sa pagiging dishwasher at kahera sa isang maliit na canteen. Lahat na yata halos ng trabaho'y napasok na niya, alang-alang sa pangarap niyang makatapos ng pag-aaral.
"Why aren't you eating?"
Napukaw ang kanyang atensyon nang magsalita ang binatilyong si Ian. Awtomatiko siyang napatingin dito, magmula ulo hanggang paa. At kumpara kagabi ay nakasuot naman ito ng kulay blue na tshirt at khaki pants. Tanging sapatos lamang ang hindi nag-iba sa suot nito, marahil ay dahil iisang pares lang ang nabitbit nito buhat nang maglayas. Medyo magulo rin ang pagkakaayos ng buhok nito pero nakakatawang isipin na bumagay iyon sa porma nito ngayon.
Gaya niya ay maaga rin itong nagising dahil daw hirap pa rin itong mag-adjust sa oras dito sa Pinas. Kapansin-pansin naman talaga ang American accent nito subalit batid niyang wala itong dugong banyaga. At ngayo'y sabay silang nag-aagahan sa isang café na malapit lang sa INN, kung saan sila nagpalipas ng madamag.
"Ah, wala! May bigla lang akong naisip." At saka siya nagsimulang kumain. "Salamat nga pala kagabi. Kahit papaano, may maayos akong natuluyan."
Nagkibit-balikat lamang ito sa kanya na para bang sinasabi na maliit na bagay lang ang nagawa nito para sa kanya. She wants to ask him questions but everytime she tries to open her mouth, she would hesitate instantly. Base na rin kasi sa hitsura at way ng pananamit nito'y nagmula ito sa mayamang pamilya. Nabanggit na rin nito na isa siya sa mga nakatira sa matandang bahay na hinahangaan niya.
Kaya bakit nito napiling lumayas?
"Saan nga pala ang punta mo after natin kumain?" wala sa wisyo niyang tanong dito. Pero sa halip na sumagot ay bumuntonghininga lamang ito sa harapan niya. "Uhm, kung hindi naman nakakahiyang magtanong... pero half ano ka?"
Sa wakas ay nag-angat din ng tingin ito sa kanya. Pero kasabay ng pagtatagpo ng kanilang mga tingin ay ang bahagyang pagkunot ng noo nito.
"What do you mean, half?"
"Half ano... kung pure Pinoy ka ba o may lahi ka, ganern!"
Bahagya itong napanganga sa kanya bago tumangu-tango. Alam niyang hindi sila ganoong ka-close ni Ian. Pero dahil na rin sa awkwardness sa pagitan nila'y handa siyang magtanong, kahit na ang pinakawalang kwentang bagay na maisip niya. Aba, mahirap na. Baka sa sobrang tahimik nila'y mapanis na lang ang kanilang mga laway.
"I'm pure Filipino but I was raised in America," diretsong sagot nito sa kanya. "Although, I'm pretty sure my mom has foreign blood."
"Ah! Kaya pala nakakaintindi ka ng Tagalog. Galing!" At saka niya pinilit na matawa kahit pa wala naman talagang sense ang pagtawa niya. "Uhm, ito ha? Hindi naman sa pagiging marites, pero bakit ka-"
"-who's Marites?"
Now, it's her time to pull her eyebrows together in a frown. "Seryoso ka sa tanong mo? Nasa twenty-first century na tayo pero hindi mo alam 'yon?"
BINABASA MO ANG
Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]
AdventureDalawang magkaibang indibidwal ang pagtatagpuin ng pagkakataon: Isang lehitimong Pinoy na naging dayuhan sa lupang sinilangan; at isang dalagang nagnanais na makaalis sa lupang kanyang tinubuan. Tipikal na tubig at langis tuwing sila'y magsasalpukan...