Chapter 7: A Young Boy's Dilemma

32 4 35
                                    

RAMDAM ni Ian ang marahas na paghampas ng tubig sa kanya, matapos siyang pinagtulungang ihagis ng mga pinsan sa swimming pool

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

RAMDAM ni Ian ang marahas na paghampas ng tubig sa kanya, matapos siyang pinagtulungang ihagis ng mga pinsan sa swimming pool. Sa liit ba naman niya'y walang kahirap-hirap para sa mga ito ang gawin iyon. Ano nga bang magagawa ng isang apat na taong batang tulad niya?

Nanatili siyang nakapikit habang pinakikiramdaman ang unti-unti niyang paglubog. Marahil ay kung sa ibang pagkakatao'y kanina pa siya nagkakakawag upang maiangat ang sarili. Subalit sa mga oras na iyo'y tila nawalan siya ng lakas na gawin iyon. Pakiramdam niya'y may kung anong mabigat na bagay ang siyang humihila sa kanya paibaba.

Bagama't unti-unti na siyang kinakapos ng hininga'y tila naba-blangko ang kanyang isipan. Mula roo'y unti-unti siyang nagmulat ng paningin at halos mapapitlag siya nang tumambad sa kanyang harapan ang isang bangkay. Nais niyang sumigaw o gumalaw man lang subalit mas lalo niyang ikinagimbal, nang makita ang isang malaking bato na kapwa nakatali sa kanilang mga paa.

"Puyat ka ba?" Halos mapabalikwas siya ng pagkakaupo nang magsalita ang pinsan. Doon lamang niya naalala na kasalukuyan na pala nilang binabagtas ang daan papunta sa Laguna.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses na ba siyang humikab. Paano't hindi na naman siya nakatulog nang maayos kagabi. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya talagang nakakapag-adjust sa time differential ng US at Pinas. Dumagdag pa ang panaginip na hanggang ngayo'y malinaw na malinaw pa rin sa isipan niya.

Marahan siyang pumikit upang alisin ang tila masalimuot na alaalang iyon sa kanyang isipan. Ngunit ang pangyayaring nag-udyok sa kanyang mga magulang na ilayo siya sa bansang sinilangan ay muli na naman siyang ginambala — samahan pa ng panibagong bangungot patungkol sa pinsan niyang si Divina.

"Oh, I discovered a new game that I can play on my phone," palusot niya. Nilingon niya ito at saka ipinakita ang larong halos kada-download lang niya. "It's called Mobile Legends and it kept me up until six in the morning."

Tumangu-tango sa kanya si Divina kaya kaagad na niyang itinago ang cellphone. Pagkuwa'y ini-recline niya ang inuupuan para sana umidlip kahit papaano.

"One week ka lang sa Laguna, right?"

"Uh-huh," tipid niyang sagot bago tuluyang pumikit.

"Kumain muna tayo bago ka tuluyang matulog. Nasa Rich Love na tayo in ten minutes." Maya-maya rin lang ay narinig niya ang pagtunog ng flasher, indikasyon na patungo sila sa kabilang direksyon. "Say hello to Lola Remedios for me, okay?"

"Ate Divine, I thought my dad told you about it?" Tuluyan nang nawala ang kanyang antok. Minabuti niyang umupo nang tuwid at saka seryosong binalingan ng tingin ang pinsan. "She's gone for almost a week now and buried six feet under. You might be in an episode during the time my dad talked to you."

Hindi kaagad nakasagot sa kanya ang pinsan dahil mabilis na nilang tinungo ang daan papasok ng naturang bakeshop. He then offered to open the door for his cousin before he followed inside. The aromatic smell of the bread and other pastries made his stomach grumble.

Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon