⚠️WARNING⚠️
This chapter contains disturbing scenes that might be uncomfortable for some. Please feel free to skip this part if you feel like it's not for you.
"I REALLY think we should go to Rizal's house. That's the most well-known historical place here in Laguna."
"Timang ka ba? Eh malinaw na nakasulat dito sa bucket list ng lola mo na hindi basta-basta historical place lang ang tinutukoy niya."
Napakamot na lang sa kanyang ulo si Ian. Nagsisimula na naman siyang mairita sa kakulitan ni Venus. Katunayan nga'y kanina pa sila nagtatalo ukol sa pangalawang bagay na nakatala sa bucket list ng kanyang lola. Inabot na lang sila ng pagkagat ng dilim ay hindi pa rin nila mawari kung saan sila pupunta.
Ilang oras na ang nakalipas mula nang matapos ang huling misa para sa araw na iyon. Oo, napilit din siya ng dalaga na dumalo ng misa. At hindi na naman niya alam kung paano siya nito nahikayat. Is he under some kind of sorcery or something? Hindi niya rin alam.
"Ito ha? Basasahin ko ulit." Tinapik pa siya sa braso ng dalaga nang pansin siguro nito'y wala na rito ang atensyon niya. "Makasaysayang lugar, ating bisitahin. Ngunit sandali lamang, hindi ito madaling hanapin."
Tumaas ang kilay niya. "And so? Rizal's house is the obvious answer."
Nakita niya kung paano gumuhit ng tuwid na linya ang labi ng dalaga, dahil siguro tulad niya'y nauubusan na rin ito ng pasensya. Ginulo-gulo pa nito ang sariling buhok kaya naman hindi na niya napigilan na matawa.
"Pambihira! Nakukuha mo pa talagang tumawa? Ilang oras na tayo rito oh! Gutom na 'ko!" Halos manlisik na ang tingin nito sa kanya pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pagtawa.
Eh kung bakit ba naman kasi hindi na lang ito sumang-ayon sa mungkahi niya? 'Di yata't totoo naman ang sinasabi niyang ang bahay ng pambansang bayani na si Jose Rizal ang tinutukoy ng kanyang lola. Kaya bakit kailangan pa nilang pahirapan ang mga sarili?
"We can continue this argument tomorrow," aniya sabay hawak sa kamay ng dalaga. "For now, we need to figure out where to eat and sleep."
Tila nanibago siya nang hindi na ito umapela pa sa kanya. Sa halip ay ito na nga mismo ang humila sa kanya papunta sa sakayan ng jeep, dahilan para matigilan siya. Nilingon siya ni Venus na puno ng pagtataka ang mukha.
"There's no way I'm riding another jeepney," protesta niya. Mabilis niyang binawi ang kamay sa dalaga at saka humalukipkip. Matapos ng nangyari kahapon, ipinangako niya sa sariling hindi na muling sasakay pa ng jeep.
Paano't sa pinakaloob siya napapuwesto kagabi kaya naman ang sistema, halos lahat ng pasahero'y siya ang nagsilbing taga-abot ng bayad ng mga ito. Ang dapat sana'y relaxing na pagsakay sa sasakyan na iyo'y naging bangungot para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]
AdventureDalawang magkaibang indibidwal ang pagtatagpuin ng pagkakataon: Isang lehitimong Pinoy na naging dayuhan sa lupang sinilangan; at isang dalagang nagnanais na makaalis sa lupang kanyang tinubuan. Tipikal na tubig at langis tuwing sila'y magsasalpukan...