Chapter 13: Women's Intuition

29 4 28
                                    

ABALA sa kanyang paglilinis si Clarissa nang aksidente niyang matabig ang picture frame ng kanyang anak na si Ian, dahilan para malaglag iyon at mabasag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ABALA sa kanyang paglilinis si Clarissa nang aksidente niyang matabig ang picture frame ng kanyang anak na si Ian, dahilan para malaglag iyon at mabasag. Ilang sandali rin siyang napatingin doon bago wala sa wisyong naupo upang pulutin ang iilang bubog na nagkalat. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkabalisa.

It was only seven-thirty in the morning, California time. Halos isang linggo na rin mula nang pinauwi nila si Ian sa Pilipinas upang maghatid ng pakikidalamhati sa namayapang ina ng kanyang asawa. As much as it breaks her heart to let her only child go on his own, her husband thought that it's for the best. Anito'y kailangan daw matuto ni Ian kung paano makiayon sa iba nilang kamag-anak upang mabawasan ang katigasan ng ulo nito.

Aminado naman siyang halos lahat ng gustuhin ng binatilyo'y ibinibigay niya lalo pa't bata pa lamang si Ian ay pareho na silang abala ng kanyang asawa sa pagpapatakbo ng kanilang mga restaurants. At ang pagbibigay na lamang ng mga luho nito ang tanging paraan upang makabawi sila. Kahit pa sa mata ng iba'y hindi na tama. But she guessed, no one will understand a mother's unconditional love for their children. Na kahit gaano pa katigas ang ulo ng mga ito'y hindi iyon sapat na dahilan upang mabawasan ang pagmamahal na mayroon ang isang ina para sa mga ito. At hangga't kaya nilang ibigay ay gagawin nila, alang-alang sa kasiyahan ng anak.

"Hon, what happened?" Si Richard iyon, ang asawa niya. Naglakad ito palapit sa kanya at halos taranta siya nitong pinalayo sa nabasag na frame. "What on earth are you thinking? Look, you even cut yourself with the glass."

Awtomatikong napaangat ang tingin niya sa mister bago nalipat ang atensyon sa kanyang daliri. And true enough, it's indeed bleeding. Umiling-iling sa kanya si Richard bago siya nito iginiya sa kanilang leather sofa. Matapos iyo'y dumiretso naman ito sa kanilang common bathroom na nasa first floor para siguro kunin ang first aid kit.

Kaagad din itong bumalik at naupo sa kanyang tabi. Mula sa kanilang kit ay inilabas nito ang saline solution at bulak upang linisan ang kanyang sugat. Sunod naman nitong nilagyan iyon ng betadine bago binalutan ng band aid.

"Hanggang ngayon, lampa ka pa rin." May halong panunukso ang tono nito, matapos haplusin ang pisngi niya at diretsong titigan sa mga mata.

"Lampa talaga?" Hindi na niya napigilan ang mapangiti. "Ikaw nga itong sablay ang landing noon sa high jump way back in college."

"Huy, hindi sablay 'yon," nakangiting protesta nito sa kanya. "Hindi ba p'wedeng nabighani lang ako sa lead majorette noong mga panahon na 'yon kaya kapos ang talon ko?"

Sandali silang napatingin sa isa't isa bago siya nito binigyan ng halik sa noo. Looking back at their good old days brings so much happiness in her heart. The love they had for each other brought Ian into their lives. At totoong hindi siya nagkamali ng lalaking piniling mahalin at pakasalan.

"Pero maiba ako," muling usal ni Richard. "Ano'ng iniisip mo kanina at parang tulala ka?"

Muling nanumbalik ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib dahil sa naging tanong ng asawa. "It's Ian. Do you think he's doing fine? Should we tell him to stay at Kalixta or Divina's place until he goes home?"

Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon