"HELLO mga lakwatsera!" bungad ni Divina sa camera. "Nandito ako sa 2022 Philippine Tourist Expo sa SMX Convention Center! I'm excited to go in with my cousins."Itinapat nito ang hawak na camera sa kanila ni Kali kaya naman wala na siyang ibang nagawa kundi ang kumaway. Did he ever mention that he hates being in front of a camera? Pero heto siya't walang magawa kundi sumunod sa mga trip ng pinsan niya.
"Sucks to be the youngest," turan niya sa sarili.
Sandali siyang napalingon sa pinsan at halos matawa siya nang makita ang pilit nitong ngiti. Kahit papaano tuloy ay nabawasan ang pagka-badtrip niya. Samantala'y nauna nang maglakad sa kanila si Divina habang abala pa rin ito sa ginagawa.
"What on earth are you staring at?" pagtataray sa kanya ni Kali. Paano't maya't maya pa rin ang pagsilip niya sa bawat facial expression na ginagawa nito.
Umiling-iling siya habang pilit na nagpipigil ng tawa. "Nothing? I'm just amused by how authentic your smile was. Sharp as a knife."
"Why, you little—"
Hindi na niya pinatapos sa paghihimutok si Kali. Kumaripas na siya agad ng takbo papunta sa entrada para kumuha ng gate pass at map, gaya ni Divina. Matapos kasi nilang mananghalian ay kaagad na silang dumiretso sa lugar na iyon para 'di umano sa isang tourist expo. At dahil wala rin naman siyang choice kundi ang sumama, kaya nagpatianod na lang siya sa kanyang mga pinsan.
Napansin nilang marami-rami ang mga taong pumapasok sa main entrance kaya minabuti nilang sa kabilang pinto na lang pumasok. Hindi niya maiwasang mamangha sa mga booths na naroon. It was actually his first time being at this kind of event and he got to admit that it's quite cool. Gaya kanina'y nauuna pa rin sa kanila sa Divina, habang si Kali nama'y tahimik na nakasunod lamang sa likuran niya.
"What's that?" turo niya sa makulay na pagkaing nakalagay sa isang bilao. Sandali niyang nilingon ang pinsan na si Kali at saka muling bumaling ng tingin sa booth, kung saan may naka-display na iba't ibang uri ng kakanin.
Marahang sinundan ng dalaga ang direksyong itinuturo niya at saka unti-unting tumaas ang isang kilay nito. Right now, she's giving him a sight of disbelief which made him confused.
"What?" Ian mouthed nonchalantly.
"Pinoy ka pero hindi mo alam 'yan? Eh 'di sapin-sapin!" yamot na komento sa kanya ng pinsan. "My goodness! Partida, your parents run a chain of Filipino restaurants in the US, ha?"
Ang ngiti sa labi niya'y unti-unti na namang nawala. It's confirmed! Ipinaglihi nga sa sama ng loob ang pinsan niyang ito. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung paano nito name-maintain ang ganoong ekspresyon mula pa kanina. Minsan, sumpa rin talaga magkaroon ng matalino sa pamilya e — nagmumukha tuloy siyang walang alam.
"What a temperamental being, jeez…"
Umiling-iling na lang siya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Sa hindi kalayua'y natanaw niya si Divina na abala sa pag-pose, kasama ng sa tingin niya'y mga followers nito. Aba'y hindi na kasi nito halos maituloy ang ginagawa dahil sa kaliwa't kanan na nagpapa-picture. At the back of his head, he can't believe that his cousin can actually be the next big thing.
BINABASA MO ANG
Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]
AdventureDalawang magkaibang indibidwal ang pagtatagpuin ng pagkakataon: Isang lehitimong Pinoy na naging dayuhan sa lupang sinilangan; at isang dalagang nagnanais na makaalis sa lupang kanyang tinubuan. Tipikal na tubig at langis tuwing sila'y magsasalpukan...