Chapter 2: His Living Nightmare

33 4 25
                                    

HINDI halos maipinta ang pagmumukha ni Ian mula nang lumapag na ang eroplanong sinakyan niya pauwi ng Pilipinas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI halos maipinta ang pagmumukha ni Ian mula nang lumapag na ang eroplanong sinakyan niya pauwi ng Pilipinas. Bukod sa hindi niya kasi nagustuhan ang ginawang desisyon ng mga magulang niya'y hindi rin naging maganda ang panaginip niya kanina sa eroplano. Isama pa ang jetlag na unti-unti na niyang nararamdaman matapos ang mahigit 27-hour niyang flight.

Learning about his grandmother's death on the father's side stirred something weird inside him and obviously, he didn't like the idea of visiting her grave. Pero ano nga bang magagawa niya kung mga magulang na mismo niya ang nagpatapon sa kanya sa Pinas upang maghatid ng pakikiramay rito?

"Two weeks. I only need to suck it in for two weeks," bulong niya sa sarili habang kasalukuyang hinihintay ang mga dala niyang bagahe.

Hindi na nga yata nawala ang pagkakasambakol ng kanyang mukha dahil sa matinding pagkayamot. Sino ba naman kasi ang matutuwa na ang isang binatilyong tulad niya'y dalawang malalaking maleta ang dala? Lalo na kung pawang pasalubong lamang na galing sa magulang niya ang laman ng mga iyon.

Ilang minuto pa ang lumipas nang maisipan niyang alisin na sa flight mode ang kanyang cellphone. Malawak ang ngiti niya nang maalala ang video game na matagal na niyang hinihintay na ma-release. Subalit ang excitement na nararamdaman niya kanina lang ay kaagad din napalitan ng pagkadismaya. Paano't ngayon niya lang napagtanto na hindi niya maaaring gamitin ang mobile data ng kanyang cellphone. At mas lalo pa siyang nanlumo nang matuklasan na kahit wifi sa mismong airport ay wala rin pakinabang.

"Oh, darn it!" Ilang malulutong na mura pa ang kanyang pinakawalan at talagang nilubos na niya iyon. Paniguradong sermon kasi ang aabutin niya sa mga magulang kapag narinig siya ng mga ito. "What a crappy place. I can't believe I was born here!"

Marahas siyang napabuga ng hangin. Sa huli ay pinili na lamang niyang ipasak sa magkabilang tainga ang kanyang itim na earpods. He opened his playlist and continued waiting for his luggages to arrive.

===●○●===


"OMG! Ian!" Isang mahigpit na yakap agad ang isinalubong sa kanya ng kanyang Ate Divina. Hindi pa nga ito nakuntento't nakuha pang kurutin ang pisngi niya.

Halos kalalabas pa lamang niya sa pick-up point ng airport at ito kaagad ang sumalubong sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng awkwardness dahil masyado pa siyang bata nang huli niyang nakita ito. 

He badly wants to shoo her away because he's starting to get annoyed but he's not that disrespectful. Mas matanda pa rin ito sa kanya kaya minabuti niyang tiisin na lang muna ang tila panggigigil nito sa kanya. Sa kabilang banda'y napansin niya rin ang seryosong mukha ng isa pang pinsan na si Kalixta o Ate Kali kung kanyang tawagin.

Umiiling-iling ito habang pinapanood sila. Hindi nagtagal ay naglakad na ito palapit, ngunit hindi para kurutin din siya sa pisngi kundi para kunin na ang mga bagahe niyang nakalagay sa isang baggage cart.

Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon