Chapter 17: Feelings Don't Lie

28 2 22
                                    

ABOT-LANGIT ang maluwag na paghinga ni Venus matapos niyang lumabas ng public restroom

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ABOT-LANGIT ang maluwag na paghinga ni Venus matapos niyang lumabas ng public restroom. Kanina pa kasi siya ihing-ihi at nang hindi na niya napigilan pa'y kumaripas na siya ng takbo. At ngayon ngang nailabas na niya ang dapat ay saka pa lang sumagi sa isip niya si Ian.

"Patay!" Bahagya niyang nahampas ang kanyang ulo at saka mabilis na tinakbo ang daan, pabalik sa tiangge. Nagpalinga-linga siya sa buong paligid ngunit wala roon ang binatilyo. "Nasaan na ba ang alien na 'yun?"

Malapit nang sumapit ang ika-labingdalawa ng hatinggabi at paunti-unti na rin nababawasan ang dami ng tao sa paligid. Kagat-kagat na niya ang isang daliri habang inaalala ang mga posibleng puntahan ni Ian. Minabuti niyang maupo muna sa pahabang upuan na gawa sa bato habang nag-iisip.

Sa gitna ng lumilipad niyang ulirat ay ang bahagyang tilian ng mga manunuod. Awtomatikong napaangat ang tingin niya habang ang noo'y unti-unting kumunot. Sa isip niya'y ano kaya ang dahilan ng tilian mula sa audience?

"Huy, tara roon!" rinig niyang usal ng isang babae, habang hila-hila nito ang kaibigan. "Ang cute raw no'ng kumakanta eh! Lakas maka-Oppa."

Wala sa wisyo niyang sinundan ng tingin ang dalawang babae. Abala ang isa sa paghila sa kasama, habang ang isa nama'y hindi na nag-inarte pa. Walang pag-aalinlangan na lang itong nagpatianod sa kasama. Napailing na lamang siya sa tila exaggerated na reaksyon ng dalawang babae. Sa isip niya'y basta nga naman gwapo, halos magkandarapa ang mga kababaihan.

"Modern generation nga naman…" Kaagad din siyang natigilan sa sariling opinyon, nang may kung anong kutob ang bigla na lamang lumihis sa kanyang sistema. Napasinghap siya't diretsong napatingin sa direksyon, kung saan unti-unting dumarami ang manunuod. "S-shit… h-hindi kaya?"

Wala na siyang sinayang na panahon. Kaagad na siyang naglakad at nagsimulang makipagsiksikan sa mga manunuod. Halos kapusin na nga siya ng hangin sa biglaang pagdami ng manunuod. Sa isip niya'y ganoon ba ka-charming ang kumakanta at tila pumatok agad ito sa masa?

"Excuse me po! Dadaan ang diyosa!" Paulit-ulit niyang pasintabi sa bawat madaanan. At bawat paghawi niya'y siyang matatalim na tingin o hindi naman kaya'y pagkunot ng noo ang ipupukol ng mga ito sa kanya. "Excuse…"

Hindi na niya nagawa pang tapusin ang dapat sana'y sasabihin. Tuluyan nang napako ang kanyang tingin sa entablado at mula roo'y unti-unting namilog ang kanyang mga mata. Turns out, Ian, the introverted young boy has an impeccable singing voice!

“Akalain mo nga naman?” marahan niyang bulong sa hangin. Tila hindi pa rin siya makapaniwala sa nasasaksihan. Although at the back of her head is that proud feeling and she can’t help but to smile.

Hindi na nga rin niya halos namalayan na kasabay ng iba pang manunuod ay nakikiindayog na rin siya sa ritmo ng kanta. The song was entitled Better with You by Jesse McCartney, and the lyrics deliver a strong message of someone who was once lost but was able to find himself again because of that special person.

For a moment, she felt something strange down her spine. Hindi naman sa pagiging assuming pero posible nga kaya ang naiisip niya sa mga oras na iyon?

SAMANTALA, abala pa rin si Ian sa pagkanta. Umaasa na sa awitin na iyo’y mahanap na niya ang dalagita. Subalit dahil na rin sa patuloy na pagdagsa ng mga tao’y nanatili siyang bigo. He then tried closing his eyes as he continued singing. Hoping that by the time he opens them again, he’ll find the one he’s looking for.

Kung may isang bagay ‘man ang hindi niya nais ipaalam sa iba’y iyon ang pagkanta. Sa katunayan nga’y minsan na niyang binalak na magtapat ng nararamdaman kay Candace, sa pamamagitan ng isang awitin. Subalit bago pa ‘man niya nagawa iyo’y saka naman siya nawalan ng pagkakataon.

“Ian!”

Mabilis siyang nagmulat ng paningin matapos niyang marinig ang kanyang pangalan sa audience. At mula sa hindi kalayuan ay nakangiting kumakaway si Venus. Sandali siyang napatitig dito habang binibigkas ang mga liriko ng kanta.

Sa isang iglap, tila nagkaroon ng sariling buhay ang kanyang mga paa at diretso siyang iginiya ng mga ito sa kinaroroonan ng dalagita. Aware siyang napuno ng tilian ang buong paligid subalit ang buong atensyon niya’y nakatuon pa rin kay Venus.

“Ang galing mo!” papuri nito sa kanya habang patuloy lang siya sa pagkanta.

For the longest time he could possibly remember, singing in front of a huge crowd never crossed his mind again. Serenading for him is like a sacred thing that should be dedicated to that special person only. And the fact that he’s doing that right now proves one thing… is he starting to like her?

Sa mga oras na iyo’y tila napuno ng katahimikan ang paligid para sa kanya. Diretso siyang nakatingin sa dalagita na animo’y ito lamang ang nakikita niya. Malawak pa rin ang ngiti nito sa kanya habang siya’y tila daig pa ang nagayuma sa mga oras na iyon. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ni Venus na siyang nagpabago sa reaksyon nito. Nakita niya kung paano unti-unting napalitan ng pagkalito ang mga mata nito, habang siya'y patuloy pa rin sa pag-awit.

Totoong iilang araw pa lamang niyang nakakasama si Venus. Subalit sa hindi maipaliwanag na dahila’y tila unti-unting nabago ng dalagita ang kanyang pananaw, ukol sa maraming bagay. Sa isang iglap, ang kadiliman sa kanyang mundo’y nagsisimula na muling lumiwanag.

“...but I know I’m better with you.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon