Chapter 11: People and their Beliefs

22 4 15
                                    

🟡TRIVIA🟡

Residents in a town called Lumban, which is located in the province of Laguna have this distinct way of speaking wherein they would add 'g' or 'ng' in their words. It's a normal thing since the said town was named from an old tree called Lumbang — which was only found in that area at that time.

 It's a normal thing since the said town was named from an old tree called Lumbang — which was only found in that area at that time

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"GREAT! Seems like we're lost in the middle of nowhere!" Nakabusangot ang mukha ni Ian habang nakatuon ang mga mata niya kay Venus. "What now, genius?"

"Chill ka lang, p'wede? At saka, paano naman naging middle of nowhere ito kung ang daming bahay sa paligid?"

Iminuwestra pa nito ang kapaligiran at totoong may mga bahay doon. Sadyang malalayo nga lang ang pagitan ng mga iyon sa isa't isa. Pero bakit ba? Feel lang talaga niyang mag-exaggerate kaya ganoon ang naging reaksyon niya.

Isang ngiti ang sumilad sa mukha ng dalaga na siyang nagpalunok sa kanya ng sariling laway. He really should stop being so fragile around girls that looked like Candice. Well, hindi hamak na lamang sa kagandahan ang kanyang matalik na kaibigan. Pero may mga pagkakatulad ang dalawa, pagdating sa kilos at gawi na siyang nagpapaalala sa kanya rito. And yes, it's nostalgic yet depressing at the same time.

"I shouldn't have trusted you." He cleared his throat then looked away. "Damn, I only had a week to fulfill this annoying bucket list and now I'm los—"

"—ilang taon ka na ulit?" kalmadong tanong nito sa kanya. Nagawa pa nga nitong ipagkrus ang dalawang braso bago paulit-ulit na ipinadyak-padyak ang kanang paa sa lupa.

That caught his attention once more. He just stared at her, eyebrows furrowed. Kung bakit ba naman kasi nagtiwala siya sa babaeng no'n lang niya nakilala. Well, siguro nga'y nabighani siya sa gandang taglay nito at lalo pa siyang na-enganyo nang magpresinta itong maging tour guide niya. At sa totoo lang, nais na niyang batukan ang sarili dahil doon.

Totoong mas nanaisin niyang magpakalat-kalat na lamang sa iba't ibang lugar. At sakto rin dahil naging daan ang bucket list ng kanyang namayapang lola para matupad ang mithiin niyang iyon. Pero may mga pagkakataong sumusumpong ang pagka-impulsive niya at hindi iyon maganda. Para bang isinusuong niya ang sarili sa kalokohang bunga ng immature niyang pag-uugali.

"Huy, ano? Tinatanong kita," muli nitong usal sa kanya. "Nakakaintindi ka naman ng Tagalog 'di ba?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa tono ng pananalita ni Venus. Kagabi niya pa napansin ang pagiging bossy nito pero ano nga ba'ng choice niya sa mga oras na iyon?

"I'm seventee—hey! Does that even matter? I need to know whether you know these places or not!"

Tumangu-tango ito sa kanya kaya naman mas lalong nag-init ang ulo niya. Alam niyang gusto siyang parusahan ng mga magulang niya dahil sa nagawa niyang gulo sa school. At parte ng parusang iyon ay bisitahin ang kanyang Lola Remedios sa himlayan nito. But spending another minute in this country feels like suicide. He would rather lock himself inside his room and play games all day.

Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon