Chapter 1: Reality's Adversities

58 4 8
                                    

"WHAT do you mean it's all my fault? You were the one who told me to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WHAT do you mean it's all my fault? You were the one who told me to..."

Hindi na nagawa pang tapusin ni Ian ang sasabihin niya nang marinig ang mabibigat na hakbang ng kanyang daddy sa labas ng kwarto niya. Sa taranta nga niya'y kaagad na niyang pinatay ang tawag at mabilis na itinago ang hawak na cellphone sa kanyang likuran. At kasabay niyon ay ang tuluyang pagbukas ng kanyang pinto.

"What on earth is wrong with you?!" Iyon agad ang bungad sa kanya ng amang si Richard. Nakakunot ang noo nito at halos mamula na ang mukha sa hindi maipaliwanag na inis.

"Richard, what's wrong?" awat naman ng kanyang ina na si Clarissa na noo'y nakasunod sa likod ng kanyang daddy.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at saka mariing napapikit. Nagsimula na rin humigpit ang kapit niya sa cellphone sa kanyang likuran. Well, he knew that everything that happened that day would come to light. He just didn't expect it to be that sooner.

"You just transferred to that school two weeks ago, Ian!"

Halos umalingawngaw na sa buong bahay nila ang malagom na tinig nito ngunit nanatili pa rin siyang tikom. Nasisiguro naman kasi niyang alam na ng daddy niya ang nagawa niyang kalokohan sa school pero talagang nag-effort pa itong pagalitan siya sa mga oras na iyon.

"Calm down, mahal. Ano ba kasi talagang nangyari?" muling tanong ng mommy niya.

"Your son's art teacher got into an accident because of his unruly behavior!" Ramdam niya ang matalim na tingin sa kanya ng daddy niya kaya hindi na siya nag-abala pang tumingala rito. "And now, the school wants to suspend him for what he—"

"It wasn't entirely my fault, dad!" pagputol niya sa mga sinasabi nito na dahilan din ng paglingon ng mga ito sa kanya. "I-it was my friend... Billy. He's the one who told me to—"

"And you followed him? My god, Christian! What are you, a freaking five-year old?" Bakas ang mapanghusgang tono sa kanyang daddy. Nakita pa nga niya kung paano nito hinilot ang sentido nito na animo'y wala na siyang ibang naibigay sa mga magulang kundi sakit ng ulo.

But can they blame him for acting that way? Samantalang sila nga itong wala na halos oras sa kanya dahil kapwa abala ang dalawa sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Oo, alam naman niyang mahirap makipagsapalaran sa Estados Unidos lalo pa't kahit baligtarin man ang mundo, hindi na maiaalis ng kanilang permanent residency ang katotohanan na salta lang sila sa bansang iyon.

"We only asked one favor from you, Ian. Is it that hard to act like a decent young man? Ano pa ba ang hindi namin naibigay namin sa 'yo for you to behave like tha—"

Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon