Chapter 6: A Bunch of Weirdos

19 3 17
                                    

"HINDI obvious na masyado kang natuwa sa bago mong cell phone 'no? Kung kumakain ka kaya muna?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HINDI obvious na masyado kang natuwa sa bago mong cell phone 'no? Kung kumakain ka kaya muna?"

Literal na napaangat ang tingin ni Ian sa kanyang Ate Kali. Kasalukuyan kasi silang kumakain ng breakfast pero heto siya't abala sa pagkalikot ng bagong cellphone. Nang mapansin niyang salubong na naman ang kilay ng pinsan ay kaagad na niyang itinigil ang ginagawa at saka ipinagpatuloy ang kinakain.

"I got a text from Divina. Susunduin ka raw niya mamaya dahil siya ang maghahatid sa 'yo bukas sa Laguna," muling saad nito.

Bahagyang kumunot ang noo niya. "You're not coming with us?"

"I have work, Ian."

"Oh, okay."

Mabilis na niyang iniwas ang tingin at sa halip ay itinuon na lamang iyon sa kinakain. He's currently having his favorite cereal which Kali bought for him. Kahapon pa nga niya napansin na halos paborito niyang pagkain ang pinamili ng pinsan, kaya naman hindi niya maiwasang malungkot dahil bukas pala'y kailangan na niyang pumunta sa Laguna.

"Hey, is there a problem? Hindi mo gusto 'yung pagkain?" muling tanong sa kanya nito. Tanging pagkibit-balikat lamang ang itinugon niya kaya naman napabuntonghininga na lamang ito sa kanya. "Let me guess? Ayaw mong umuwi sa Laguna."

He let out a deep sigh.

"You know I'm not fond of my Dad's relatives. I just… don't like to be around them," aniya nang hindi nililingon ang nakatatandang pinsan.

He's not really the type of person who likes to open up what he truly feels. Especially when it comes to family matters. Ang totoo'y kung hindi nga lang dahil sa namatay niyang Lola ay hihilingin na lang niyang manatili sa pangangalaga ng dalawang nakatatandang pinsan. Subalit sadyang hindi maaaring ipilit ang nais niya, lalo pa't iyon naman talaga ang dahilan ng pag-uwi niya ng Pilipinas.

"Well if you like, I can talk to your parents and tell them you want to spend your vacation here instead."

"No, it's okay. I mean, the real reason why I was sent here was because my grandma died and—"

"Ano?! Wala na ang Lola Remedios mo?"

Gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha dahil base na rin sa reaksyon ni Kali ay halatang wala itong alam sa nangyari. Samantalang ayon sa daddy niya'y nakausap nito si Divina kaya inakala niyang ibinalita na nito kay Kali ang tungkol sa Lola niya.

"That's weird." Napakamot pa siya sa ulo dahil doon. "I thought Ate Divine already told you. My dad relayed the news to her a few days before I got here."

Nasa gitna sila ng malalim na iniisip nang kapwa nila narinig ang pagtunog ng doorbell. Si Kali na ang nagpresintang magbukas ng pinto habang siya'y iniligpit naman ang kanyang pinagkainan, at saka siya sumunod sa living room.

"Oh my god, guys! Come check this out!"

Kapwa sila napatingin sa isa't isa ni Kali matapos ibalandra sa kanilang harapan ni Divina ang isang bank statement. Bahagyang kumunot ang kanilang mga noo dahil doon. Dumiretso ng kusina si Divina kaya naman naiwan sa kamay ni Kali ang naturang papel. Sandali lang niyang sinilip ang nilalaman no'n bago sumalampak ng upo sa carpet.

Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon