SA HINDI mabilang na pagkakataon, nakasimangot na naman ang pagmumukha ni Ian. Sinasabi na nga ba niya't hindi maganda ang pahiwatig ng panaginip niya kanina. Hindi rin siya nasiyahan sa inihain na almusal sa kanya ng pinsan na si Kali dahil hello? Mula nang magkaroon siya ng muwang sa mundo'y panay de kalidad na pagkain lamang ang nailalaman niya sa kanyang sikmura.Alam niyang mali na pinuna pa niya ang luto nito gayong kahit papaano'y nag-effort itong ipaghain siya ng almusal. Pero bakit ba? Hindi niya ugaling pagaanin ang kalooban ng iba kung pawang kasinungalingan lang din naman ang lalabas sa bibig niya. Ika nga ng mommy niya, 'it's better to hurt someone with the truth than comfort them with lies.' At panghuli ay ang katotohanang sarado ang mga bangko tuwing Sabado!
"Hi, gorgeous!"
Isa pa pala ito. Matalim niyang tinapunan ng tingin ang mga lalaking kanina pa nagpapapansin sa pinsan niyang si Divina. At pansin niyang panay naman ang kindat ng pinsan sa mga ito na animo'y tuwang-tuwa sa atensyon na natatanggap. Marahas siyang napabunga ng hangin dahil sa namumuong pagkayamot na naman.
Kasalukuyan silang nakaupo sa wooden bench na katabi lang mismo ng malaking fountain ng mall. Dahil nga ang plano niyang magpapalit ng dolyar ay naantala pa kaya minabuti nilang doon na lang muna magpalipas ng oras. Excited pa naman siyang bumili ng bagong cellphone at iilang damit na gagamitin niya pagpunta sa Laguna.
"Ano? Tapos ka na ba mag-emote d'yan?"
"How come you didn't know the bank's closed today?" pabalik niyang tanong kay Divina na hindi man lang ito nililingon.
"Aba't parang kasalanan ko na nakalimutan kong Sabado ngayon? Besides, I'm still human so don't expect me to be perfect. Maganda lang ako, hindi perfect. Okay?"
Marahan niya itong nilingon at hindi sinasadyang napasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa na labis niyang pinagsisisihan. Ang totoo'y kanina pa siya bothered sa suot nito ngayon - magmula sa mapulang shade ng lipstick hanggang sa fitted na dark violet na damit ay walang lalaki ang hindi mapapalunok sa sariling mga laway. And he should know what crazy things were running inside their heads because he, himself, is also a guy.
Kanina pa nga rin halos kaliwa't kanan ang nagnanais na magpa-picture sa pinsan niyang ito. But for some unknown reason, panay rin ang pagtanggi nito. Maybe she likes some time for herself? Or she's not in the mood to socialize? He wasn't really sure.
"Why are you staring at me like that?" Divina asked once more but he reluctantly shook his head due to annoyance.
Nang hindi na siya nakapagpigil ay mabilis siyang tumayo mula sa wooden bench at saka hinubad ang suot na dark blue sweater. Mabuti na nga lang at bukod sa sweater ay may panloob pa siyang t-shirt na suot. Iniabot niya iyon kay Divina na wala naman ibang naging reaksyon kundi ang titigan lamang ang naturang sweater.
"Here." Mas inilapit pa niya ang damit sa harapan ng dalaga habang maya't maya ang pagsulyap niya sa paligid. Paano't pansin niyang may mga kumukuha na rin ng videos sa pinsan niya dahil nga kilala itong social media influencer sa bansa.
BINABASA MO ANG
Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]
AdventureDalawang magkaibang indibidwal ang pagtatagpuin ng pagkakataon: Isang lehitimong Pinoy na naging dayuhan sa lupang sinilangan; at isang dalagang nagnanais na makaalis sa lupang kanyang tinubuan. Tipikal na tubig at langis tuwing sila'y magsasalpukan...