Chapter 4: Preferences of a 17-Year-Old

45 3 31
                                    

⚠️WARNING⚠️

This chapter contains disturbing scenes that might be uncomfortable for some. Please feel free to skip this part if you feel like it's not for you.

MALAWAK ang ngiti ni Ian habang sabay nilang tinatahak ng kanyang matalik na kaibigang si Candace, ang kahabaan ng dalampasigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


MALAWAK ang ngiti ni Ian habang sabay nilang tinatahak ng kanyang matalik na kaibigang si Candace, ang kahabaan ng dalampasigan. Gabi na nang mga oras na iyon subalit ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan ang siyang nagbibigay tanglaw sa kadiliman.

"I don't know why you always wanted to take a walk along the seashore..." binalingan niya ng tingin ang dalaga at saka mas ngumiti. "But I must admit, this is a nice experience."

Mahinhin na natawa sa kanya ang kaibigan at sapat na iyon para bumilis ang pagkalabog sa kanyang dibdib. Sa totoo nga lang ay nagtataka rin siya kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para hawakan ang kamay nito.

"It's nice to walk by the seashore with a good friend beside me..."

Kaibigan. Alam niyang walang masama sa salitang iyon subalit para sa tulad niyang may lihim na pagtingin sa dalaga'y hatid niyo'y kirot sa kanyang puso. He's always been the introvert-type of guy since pre-school and Candace somehow brought him out of his shell. She made him feel as if he's also important, like he's a precious thing in a world full of adversities. At tingin niya'y dahil doon kaya unti-unting nahulog ang loob niya rito.

Mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ng dalaga, dahilan para sandali silang napatitig sa isa't isa. Kalauna'y kapwa na lang sila napangiti bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Ang totoo'y may iba pa siyang pakay sa pagsama niya ngayon kay Candace. Ang nais niya sana'y magtapat na ng nararamdaman sa dalaga at bahala na si Batman sa mga sunod na mangyayari.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago huminto sa paglalakad. He's been contemplating for a while now and he has these doubts whether it's the right thing to do or not. But in the end, he was able to muster up his courage and convinced himself — it's now or never.

"Uh, Candace? There's actually something I want to tell..." Awtomatiko siyang natigilan sa sasabihin nang mapansin ang malalim na pagkakatulala ng dalaga. Nakatingin ito sa malawak na karagatan at napansin niya kung paano unti-unting nanlaki ang mga mata nito. Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay ngunit ramdam na niya ang panginginig ng kamay nito.

"Hey, what's wrong?" He asked with full concern. Sa huli ay sinundan niya ang direksyon kung saan nakatingin ang dalaga at halos mapasinghap siya nang maaninag ang isang bangkay na palutang-lutang sa hindi kalayuan.

Nagsimulang gumapang ang kakaibang kilabot sa buo niyang katawan. Gustuhin man niyang hilahin na si Candace palayo roon ay hindi niya magawa. Pakiramdam niya'y may kung ano'ng enerhiya ang humihila sa kanya para mas titigan pa ang naturang bangkay. Hindi nga niya mawari kung tao ba talaga ito? At kung oo'y ano ang kasarian nito?

Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon