⚠️WARNING⚠️
This chapter consists sensitive scenes that may not be suitable for those who are going through anxiety/panic attacks.
Reading with proper caution is advised.
"KUMUSTA ka d'yan? You doing okay?""Yeah. I'm good!" Ian forced a smile on his face as he's now facetiming his cousin, Divina. "Uh, I'll have to go now. I'm having a movie night with some cousins here. Take care, Ate Divina."
Hindi na niya hinintay pang magsalita ang pinsan. Kaagad na niyang pinatay ang tawag at saka muling nahiga sa kanyang kama. Humugot siya ng malalim na hininga habang diretsong pinagmamasdan ang kisameng gawa sa kahoy. Pasado alas otso na nang gabi pero heto siya't mas pinili na lang magkulong sa kwarto.
It's been days since he got to Laguna. He wasn't really expecting much from his relatives but the way they welcomed his arrival surprised him. Paano't malalawak ang ngiti ng mga ito nang bumaba siya ng taxi. Ang mga tiyahin na kapatid ng kanyang daddy ay sinalubong siya ng yakap at halik sa pisngi. And for the first time since the last time he's been here, a little hope sprouts from deep inside him.
Or so he thought?
"Hoy, Ian! Bumangon ka d'yan at hinahanap ka ni mama." Si Sherina ito, ang pangalawang anak ng panganay na kapatid ng daddy niya. Nakataas ang isang kilay nito habang nakasandal sa may pintuan. Matanda ito ng dalawang taon sa kanya subalit hindi hamak na mas matangkad siya rito. Guessed, puberty did its job well for him.
"What is it now?" Ang pagkairita sa kanyang boses ay hindi na niya naitago lalo nang mas nalukot pa ang pagmumukha ng nakatatandang pinsan. "Fine, I'll go."
Sa huli ay wala na siyang nagawa kundi ang bumangon at lumabas ng kwartong tinutuluyan niya. Mukhang natutunugan na niya ang dahilan ng pagpapatawag sa kanya ng tiyahin at hindi niya maiwasang mapabuga ng hangin dahil doon.
"Mama, nandito na si Ian."
Mula sa mesa'y abala sa pakikipagtawanan ang kanyang tiyahin, kasama ang ilang amiga nito. Kapwa nakasuot ng makukulay na bestida ang mga ito habang nakaupo sa harap ng hapagkainan. Kasalukuyan silang naglalaro ng baraha subalit kaagad siyang nilingon nito matapos ng sinabi ni Sherina.
"Ay, naku! Narito na pala ang mabait kong pamangkin." Sumenyas itong lumapit siya na mabilis naman niyang sinunod. Marahan siya nitong hinila sa braso at saka itinapat ang bibig sa kanyang tainga. "Pahiramin mo muna si tita ng five thousand, ha? Biglaan kasi ang pagdating ng mga amigas ko, nakakahiya naman kung wala man lang akong maipapakain."
Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya, dahilan para mapalayo siya mula sa tiyahin. Sinasabi na nga ba niya't pera na naman ang dahilan nito. Iyon ang naging habit ng mga ito mula nang dumating siya sa pamamahay ng kanyang Lola Remedios.
BINABASA MO ANG
Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]
AdventureDalawang magkaibang indibidwal ang pagtatagpuin ng pagkakataon: Isang lehitimong Pinoy na naging dayuhan sa lupang sinilangan; at isang dalagang nagnanais na makaalis sa lupang kanyang tinubuan. Tipikal na tubig at langis tuwing sila'y magsasalpukan...