Chapter 14: Two Hearts; One Look

28 4 39
                                    

"YOU'RE doing this on purpose!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"YOU'RE doing this on purpose!"

Hindi na nga mabilang kung ilang beses na sumambakol ang pagmumukha ni Ian, samantalang ang dalagitang si Venus ay panay kibit-balikat lamang sa kanya. It was only ten in the morning when they reached their first destination for that day, which is Los Baños — another town in Laguna. And because of his horrid dream last night, he knew that he's been spacing out since this morning. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, tanging ang dalagita lamang ang may kakayahang magpabalik sa lumilipad niyang ulirat... sa pinaka nakakainis na paraan nga lang.

"Ang alin?"

"You're distracting me so you can bring me here!" Hindi pa nakuntento siya at nagawa pa niyang duruin ang bahay na nasa kanilang harapan ni Venus. "I told you countless times. We should've gone to Rizal's house!"

"At sinabi ko rin sa 'yo, hindi nga bahay ni Rizal ang tinutukoy ng lola mo sa bucket list. Ang kulit ng lahi mo!" Pagkuwa'y inilabas nito mula sa bulsa ang halos lukot nang papel. "Makasaysayang lugar, ating bisitahin. Ngunit sandali lamang, hindi ito madaling hanapin."

Umismid siya. "It's obviously Rizal's house—"

"—iyan kasi ang mahirap sa 'yo, Ian. Sa Amerika ka na lumaki kaya wala ka na halos alam sa mayamang kasaysayan ng ating bansa."

"And your point is?"

Nakita niya kung paano umirap ang dalagita na siyang nagpakunot ng kanyang noo. The audacity of this girl to give him this kind of attitude! Nakalimutan na ba nitong, ito mismo ang nag-offer sa kanya na maging tour guide para matupad ang bucket list ng kanyang Lola Remedios? At isa pa'y siya itong gumagastos sa lahat kaya hindi ba dapat ay magpasalamat pa ito sa kanya?

Umiling-iling na lamang siya sa mga bagay na naiisip. Hindi naman sa nanunumbat siya pero parang ganoon na rin nga.

"Hay naku! Tara na nga!" Mabilis na siyang hinila nito papasok bago pa siya makapagreklamong muli.

Unang bumungad sa kanila ang mataas na gate na gawa sa metal at bakod na yari naman sa konkreto. Nakailang tawag din si Venus mula sa labas dahil wala man lang kahit na anong doorbell o information desk ang naroon. Isang bagay kung bakit hindi talaga siya kumbinsido na tama ang lugar na kanilang pinuntahan. Dahil kung totoong makasaysayang lugar iyo'y hindi ba dapat, maraming turistang pumupunta?

 Dahil kung totoong makasaysayang lugar iyo'y hindi ba dapat, maraming turistang pumupunta?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Seven Days of a Lifetime [Across Genres: Travelogue Series 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon