Princess AI's POV
"dad about don sa sinabi ng 'someone' sayo, hindi iyon totoo." seryosong sabi ko sa dad ko habang hinahabol ko siyang mag lakad dahil papunta na kami sa parking lot. alam ko naman talaga kung sino ang nag sabi sa kanya pero hindi ko naman pinapaalam sa kanya na alam ko.
hindi niya ako sinasagot at ang kuya ko naman ay nag tataka sa nangyari pero hindi siya nag sasalita, nakikiramdam lang siya dahil parehas kaming mainit ang ulo ng dad ko.
walang nag sasalita sa amin habang kami ay naka kotse. hinatid namin ang dad ko sa office niya dahil may naiwan daw siyang papers na kailangan niyang ireview kaya nauna na kami pauwi sa bahay.
nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan pero napapansin ko ang panay na pag titig ng kuya ko sa akin.
maya maya pa ay hindi na rin nakatagal ang kuya ko kaya tinanong niya na rin ako. "princess, what happened?"
tumingin ako sa kanya. "its about the past. yun yung reason kung bakit ako pinatapon ni dad sa korea."
"ano ba yon? walang sinasabi si dad sa akin" nag tatakang tanong niya
"may nag sabi kasi kay dad na gumagawa kami ng malaswa ni toffi. siniraan kami which is hindi naman totoo. "
"siya yung riff na nabanggit ni dad sakin nung umuwi siya ng korea last time diba? yung gusto niyang makatuluyan mo"
"yup! e hindi nga alam ni dad na siya rin si toffi. kaya kung kelan okay na kami, hindi na okay sa kanya" nag sigh nalang ako kasi hindi ko alam kung paano ko papatunayan kay dad. hindi ko alam kung paano siya paliwanagan dahil parang ang hina ng loob ko pag dating kay dad.
"sino ba kasi yung nag sabi? bakit naman kasi maniniwala si dad agad agad? wala ba siyang tiwala sa anak niya?" naiinis na tanong ni kuya
hindi ko na sinagot dahil ayaw ko na madagdagan pa ang problema.
-
pag dating namin sa bahay ay nakaabang na si sassy at ria at nag aantay na rin ng kwento.
ngiting ngiti pa sila. "bad news" nag tinginan sila at mas naging kumportable pa ang pwesto nila na parang nag aantay na ng mahabang kwento.
"anong nangyari?"
"oo nga, nabutas ba?"
"hahaha o baka naman di magaling?"
nag apir sila at nag tawanan. "alam na ni dad na si toffi at riff ay iisa. kaya nag dadalawang isip na siya sa aming dalawa"
BINABASA MO ANG
The Gangster Princess and The Campus Hearthrob Gangster (ON GOING)
Novela JuvenilIsang babaeng gangster na may mapait na nakaraan at isang hearthrob sa campus ang magkakakilala. Basahin ang kwento upang malaman kung paano nila haharapin ang mga pagsubok at kung sino ang mga taong babalik mula sa nakaraan na magbibigay pagsubok s...