ANDREI'S POV
"Nasan si Princess Ai?" tanong sa amin ni riff. simula ng hindi pumasok si princess ai, parang ang tamlay ni riff. oo nga't nagkabalikan na talaga sila ng tunay, naging sweet na ang kilos nila pero parang bumalik naman siya sa pagka cold.
nung sinabi nila na nagkabalikan sila noong nasa bar kami, parang hindi dahil hindi sila nag uusap, parang walang pakealam si riff sa kanya pero ngayon.. hatid sundo pa niya.
hindi rin namin siya gaano pinapansin kapag naaalala namin ang ginawa niya kay princess ai at lumalayo kami minsan kapag kasama niya si ia.
kaming tatlo lang ang nandito sa tambayan. hindi ko sinundo ngayon si ria dahil sabay sabay daw silang tatlo papasok na daw kasi ngayon si princess ai.
kumusta na kaya siya? hindi siya sumasagot sa mga text and chats namin. siguro ay nag papagaling ang sugat.. pati ang puso.
"papasok na kaya si princess ai? how is she?" tanong ni riff. ngayon lang siya nag tanong about kay princess ai.
"sinong matutuwa kung makikita niya ang taong mahal niya na may kasamang iba? pagtapos siyang paasahin ng taong yun" pabiro pero may laman na sagot ni matthew. hindi ako sumagot dahil alam kong ngayon na siya papasok.
maya maya lang ay nag yaya na si riff na pumunta sa room dahil malapit na din mag time.
naririnig namin ang bulungan ng mga tao habang papalapit kami sa room. "anong meron?" tanong ni riff. "pumasok na kasi si princess ai ngayon" sabi ko sa kanya at kita ko ang gulat sa mukha niya.
nauna na kami ni andrei para lapitan si princess ai.
"kumusta aming prinsesang ayi!" pang aasar ni matthew at niyakap namin si princess ai.
namayat siya.
*
lunch time na kaya nasa canteen kami lahat. yup, kasama si riff at Ia. sumasama parin naman siya sila sa amin pero minsan ay tahimik. kaibigan padin namin si riff.
"Princess Ai, bakit ba ayaw mo mag pakita samin nila Sassy? ganon ba magpagaling?" pang aasar ni matthew siniko ko naman siya.
"wala lang, bawal daw akong mag kikilos eh, pero nandon naman si cj lagi ako pinupuntahan sa condo."
bigla naman may tunog na sinadyang ihulog ang kutsara at tinidor sa plato niya. "what happened to you babe?" tanong ni Ia sa kanya. "nothing"
"princess ai ano namiss mo ba kaming mga kaibigan mo?"
"hindi" pabiro niyang sabi habang busy kumain.
"hindi mo ba namiss ang mabait, maganda at gwapo mong mga kaibigan?" sabi ni matthew at tumawa kami. parang hangin lang si riff at ia sa amin ngayon.
"mag babago na ako ng kaibigan" pabirong sabi ni princess ai.
"ano bang gusto mong kaibigan na bago? kami na mag aadjust!"
BINABASA MO ANG
The Gangster Princess and The Campus Hearthrob Gangster (ON GOING)
Novela JuvenilIsang babaeng gangster na may mapait na nakaraan at isang hearthrob sa campus ang magkakakilala. Basahin ang kwento upang malaman kung paano nila haharapin ang mga pagsubok at kung sino ang mga taong babalik mula sa nakaraan na magbibigay pagsubok s...