PRINCESS AI'S POV
"Tara inom tayo sobrang kinakabahan ako!" Aya ni Ria na parang lalaki. Tapos na kasi kami sa lahat, medyo ginabi lang kami pero ayos lang.
"Tara" aya ni riff at nagpatuloy na kakanood ng vlogs.
"G ako" sabi ni Matthew at nag ayos na ng gamit
"Tara advance celebration" sabi ko dahil sure naman akong si Ria mananalo. Maganda si Ria, matalino pa.
"Tara dahil wala na tayo gagawin pang iba" Malamig na sabi ni Sassy pero siguro kaya siya pumayag ay dahil nga gusto narin niya na magkaayos sila ni Ria?
Hanggang ngayon di pa sila masyadong nag papansinan at medyo nakakahalata na ang mga boys. Dahil kung nung una si sassy lang ang umiiwas, si Ria na rin ngayon. Nag kayayaan ang kami na pumunta kela Riff dahil nga celebration dahil tapos na ang props at gown ni Ria. lahat kaya kami ay napagod dahil doon daw kukuhain ang grades namin sa isang subject.
"Anong iinomin natin?" Andrei
"The bar!" Aya naman ni Ria. Yun ang gustong gustong inomin ni Ria dahil yon ang kaisa isang alak na nakapag patumba sa kanya nung unang inom niya.
sasagot na sana si andrei nang biglang may tumawag sakanya. tinignan naman ni ria ng pasimple ang cellphone ni andrei para tignan kung isno ang tumatawag ng biglang parang nadown yung mukha niya.
"Hello, Jasmin?" sabay alis ni andrei. kita ang pag babago ng mood ni ria at pagiging tahimik.
"jealous. ako nalang bibili ng alak punta na kayo nila matt sa bahay" sinundan ni riff si andrei, siguro sila na ang bibili.
*
Villanueva's Residence
"Sino yung Jasmin na kausap ni Drei, Matt?" takang tanong ni Sassy. umirap naman si ria sakanya.
"Ex ni Drei.." sabi ni Matt at tumingin kay Ria. kitang kita ko ang pag ngisi ni Sassy.
tahimik kaming lahat at maya maya lang ay dumating na si riff.
"o asan si drei?" hanap ko dahil siya nalang ang dumating akala namin ay kasama si andrei. "Tumawag si Jas, pupuntahan daw ni Drei" lalo namang nawala sa mood si Ria kaya tinabihan siya ni Matt.
"Tara kain na tayo" aya ko para naman medyo gumanda ang mood. "Tamang tama nag paluto ako bago kayo dumating" sabi ni riff at nauna na papunta sa kitchen kaya sumunod na kaming lahat. "may nagawa ka din maganda dure pare chong" sabi ni matt kaya nagtawanan kaming lahat.
walang nag sasalita sa amin dahil lahat kami ay busy sa pagkain. ang sarap ng pagkain dito kila riff! pagtapos namin kumain ay nag set na kami. pumunta kami sa rooftop nila riff. ako nakaupo. si sassy, kumukuha ng mga kailangan sa kitchen. si riff at matthew inaayos yung tables, mga the bar na binili habang si Ria naman ay nag luluto ng pulutan. walang tao sa bahay nila riff kundi mga katulong lang niya.
BINABASA MO ANG
The Gangster Princess and The Campus Hearthrob Gangster (ON GOING)
Novela JuvenilIsang babaeng gangster na may mapait na nakaraan at isang hearthrob sa campus ang magkakakilala. Basahin ang kwento upang malaman kung paano nila haharapin ang mga pagsubok at kung sino ang mga taong babalik mula sa nakaraan na magbibigay pagsubok s...