PRINCESS AI'S POV
para akong nabato sa narinig ko, totoo naman. wala naman talagang kami. mas masakit pala kapag narinig no? kapag galing mismo sa kanya.
walang nag sasalita sa amin nang pabalik na kami sa loob.
kahit ako ay ayokong mag salita. nawalan ako ng gana dahil mas masakit pala kapag galing mismo sa kanya.
hindi ko alam kung bakit nasaktan ako, kung bakit nag selos ako nang makita ko sila ni Ia na nag hahalikan kanina. hindi ko alam kung bakit parang may sumapi sa akin at ginustong mag lasing, sumayaw ng malala. buti at nakilala ko si Cj, kahit papaano ay may ume-entertain sa akin kanina habang nasa dance floor.
*
"grabe! sobrang enjoy mga nangyari kanina! pero nakakagulat dahil nagkabalikan na yung dalawa what the freak! ilang days palang simula nung bumalik si IA!" sabi ni sassy. hindi ako sumagot, wala ako sa mood sumagot. nakakaramdam din kasi ako ng sakit ng ulo. hindi ko alam kung bitin ba ako o napasobra.
"true lang sis, di ko alam kung anong nangyari! parang kanina lang sayo naka focus si riff tapos parang isang pitik lang ni Ia, nakuha na niya agad si Riff" dugtong ni Ria. pati ako ay nagulat at nanibago dahil sa nangyari
"ganon talaga, wala tayong laban sa ex" malamig kong sabi at pumasok na sa kwarto ko.
nag hubad na ako at nag palit ng damit. nakaramdam na ako ng sakit ng ulo kaya dumapa ako.. siguro epekto ito ng napakaraming nainom na alak kanina.
o sakit sa puso?
*Text message* kinuhako ang cellphone ko na nasa bulsako.
From: Unknown number"battle, UG 2am"
napaisip ako kakayanin ko ba kahit ako ay medyo may tama? nahihilo pa ako at sumasakit ang ulo.
naalala ko nanaman kung paano silang nag halikan. nakita ko pang tumingin si riff sa pwesto ko nang mangyari iyon, sinadya niya siguro iyon. paraan niya siguro para sabihing wag ako umasa sa kanya dahil walang kami.
hanep, isang riff, napag laruan ang nararamdaman ko. hindi ko alam kung bakit napaka gaan ng loob ko sa kanya. hindi ko alam kung bakit komportable ako agad sa kanya kaya parang napalagay ang loob ko sa kanya.
nakaramdam ako ng selos dahil sa nangyari kanina. shit, may nararamdaman na nga yata ako sa kanya. halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. "kailangan kong ilabas ito" bumangon ako at nag palit na ng damit. hindi ko na sinabihan si sassy at ria. kaya ko to. umalis na ako at nag drive ng mabilis papunta sa UG. alam kong magagalit sila pero wala naman masamang mangyayari sa akin at hindi naman nila ito malalaman.
kailangan ko to at gusto ito para mailabas ko man lang ang sakit at selos na naramdaman ko.
pag dating ko ay sinabi ko sa nag hahamon sa akin na mag laban na kami agad. hindi ko alam kung bakit pero ako ay nasa mood makipag laban. gusto kong manapak, gusto kong makitang masaktan ang kalaban ko.
BINABASA MO ANG
The Gangster Princess and The Campus Hearthrob Gangster (ON GOING)
Novela JuvenilIsang babaeng gangster na may mapait na nakaraan at isang hearthrob sa campus ang magkakakilala. Basahin ang kwento upang malaman kung paano nila haharapin ang mga pagsubok at kung sino ang mga taong babalik mula sa nakaraan na magbibigay pagsubok s...