Princess AI's POV
isang linggo. isang linggo na pakiramdam ko ay isang buwan. sobrang tagal nang wala ni Riff. Wala kaming idea kung nasaan siya. tumatawag kami sa bahay nila pero wala, hindi rin alam kung nasaan siya.
hinagis ko ang eraser na nasa desk ko papunta sa pangit na nasa harap ko. tumingin siya sakin at tumungo. nerd.
tumungo ako sa desk ko. ang boring! "anong oras na? ilang subject pa?" salita ko at inaantay na may sumagot sa akin.
"isa nalang, uwi na tayo" sabi ni sassy. simula nang nawala si riff ay tahimik kaming lahat. parang nanibago kami lahat sa nangyari atbsa nalaman namin.
nakailang missed calls narin ako kay riff. hindi ako nag sasawang tumawag sa kanya araw-araw. baka masagot niya eh.
"princess ai, diretso bahay ha. sabay tayo, wala nang ibang pupuntahan" napa tingin ako sa kanya sa sinabi niya.
"Bakit? san sila andrei?" tanong ko kay ria.
"battle" normal na sabi nya kaya tumango nalang ako. binabantayan na nila ako ngayon, inaamin ko kasi na simula nang mawala si riff ay hindi na natigil ang pag inom ko.
isang linggo simula nung nangyari ay nag iinom na ako. pinagbigyan nila ako at binigyan ng 1 week para umayos sa pinag gagagawa ko dahil alam nila na ito ang makakapag pakalma sa akin. pag tapos uminom ay diretso battle ako sa UG.
hindi rin kasi ako makapaniwala na wala na ang bestfriend ko, kahit may hindi magandang nangyari sa amin sa past, kahit parehas pala kami ng lalaking nagustuhan ngayon e kahit papano napamahal na rin siya sa akin. may pinag samahan parin kami.
at mas lalong hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang epekto sa akin ni riff. siguro kasi ay nararamdaman ko at nakikita ko sa kanya si toffi. ang dati kong minahal noon.
hay riff! kailan ba kita makikita?
*
"shet ka ria ang daya mo!"
tapos na ang klase at binantayan nga ako ni ria at ni sassy. sabay sabay kaming umuwi at nandito silang dalawa ngayon sa tabi ko nag lalaro ng Bloons.
"wala kayong magawa no? puntahan nyo kaya mga jowa nyo?" pag taboy ko sa kanila
"no. bantay ka namin ngayon" sabi ni ria
"wala akong jowa" masungit na sabi nya at tutok na tutok siya sa kanyang phone.
paglipas ng ilang oras ay biglang may nag doorbell sa bahay kaya binuksan ni ria at iniluwa ng pinto sila andrei
"O anong balita kay riff?" tanong ni ria at yumakap kay andrei. ang clingy naman ng babaeng to? may paamoy amoy pa kay andrei
BINABASA MO ANG
The Gangster Princess and The Campus Hearthrob Gangster (ON GOING)
Fiksi RemajaIsang babaeng gangster na may mapait na nakaraan at isang hearthrob sa campus ang magkakakilala. Basahin ang kwento upang malaman kung paano nila haharapin ang mga pagsubok at kung sino ang mga taong babalik mula sa nakaraan na magbibigay pagsubok s...