Chapter 1

11K 161 27
                                    

Princess Ai's POV



"Hi. Beautiful lady." Biglang may lalaking lumapit sakin at nagsalita malapit sa mukha ko. Baho ng hininga, nakainom to.



"Wow. Chicks Pare." Ew, ano ako sisiw? Napairap ako sa kanila. Ngayon na nga lang ako naka gala, mababastos pa. Grabe talaga dito sa pinas, di na pwedeng lumakad o gumala ng mag isa. kahit balot ka, mababastos ka.


"Miss, ano pangalan mo?" Tanong ni kuya. Kung ikaw lang mag tatanong, mas gugustuhin ko ng wala akong pangalan. Ang pangit.


"Sorry, i don't talk to strangers." Pinalaki ako ng parents ko na hindi nakikipag usap sa di ko kilala 'no. Badtrip naman, sana pala di nalang ako naglakad lakad.


"Ang taray mo naman. Di ka ba natakot samen?" Tinignan ko si kuya na walang ekspresyon. Bakit? Sabagay nakakatakot naman mukha niyo.



"Bakit naman ako matatakot?" Bored kong tanong. Baka may dahilan tong mga pangit na ito.



"Kasi gangster kami." Tinignan ng dalawang lalaki ang mukha ko, kala ata matatakot ako. Walang makikitang takot o ano man sa mukha ko, magaling ako sa ganito.


"So what? I dont care" Baka walang binatbat itong mga ito. Ginaganahan tuloy ako. Mukhang maagang papractice to ah.


"Aba, matapang ka ah?" Pikon. Ganyan ang mga mahihina e, pikon. Susuntukin na sana niya ako ng inunahan ko siya. Ano ba yan, nag tatanong ng pangalan ko kanina tapos sasaktan din pala ako? Abnormal.

Pare parehas kami napahinto dahil napatingin kami sa bag ko dahil biglang nag ring. May natawag pa. Sinagot ko agad ang tawag. Napangisi naman si kuya dahil akala niya ay makakaganti siya sa sapak ko kanina.


"Hello?" Sinagot ko yung tawag kahit nakikipag away ako. Sanay na ako sa ganito.

"Asan kaba? anong ginagawa mo? bakit ang ingay diyan?" Kuya ko lang pala. Si kuya Mark Valerick Salvador. Ano ba naman to si kuya, kapag may fight ako lagi tumatawag.

"Tss nasa 9th street ako. I'm in the middle of a fight pa kuya." Inipit ko na ng balikat ko at ulo ko ang phone ko, naiinip na ko gusto ko na matapos to.


"Oh. Nasa middle ka.." narinig ko ang pagtigil niya ng pagsasalita. napaisip siguro "ANO? EH BAKIT SINAGOT MO TONG TAWAG KO? GRABE KANG BABAE KA. MAMAYA NA AKO TATAWAG. UMUWI KA NA PAG KA TAPOS NIYAN! MAG IINGAT KA. BYE" Kahit kelan talaga. Medyo nabingi ako don, bigla akong natamaan nung isang lalaki sa pisngi. Daplis. Tinignan ko siya ng masama at sinapak. Tulog.


Napatingin si kuya na kasama niya. Nag taka siguro kung bakit isang suntok ko lang tulog na. Bakas sa mukha niya ang takot.



"DI PA TAYO TAPOS!" Nag mamadali niyang binuhat yung lalaki at umalis na.

The Gangster Princess and The Campus Hearthrob Gangster (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon