Chapter 35

4 0 0
                                    


Ianelle's POV


*flashback* 


ilang months na ang nakalipas pero alam kong napa mahal na rin si Toffi sa akin, dahil marami na rin kaming pinag daanan at sa lahat ng pagkakataon ay nasa tabi niya ako. Sa tuwing nangangapa siya sa past niya. kahit minsan ay hindi na totoo ang sinasabi ko sa kanya.


hilig namin ni toffi kumanta sa videoke room sa may village pero mas hilig ni toffi na tumambay sa isang mataas na lugar at titigan ang magandang tanawin.


"Toffi, can we go somewhere? i want some fresh air" malambing kong sabi sa kanya. BInibigay ko na lahat, i know that this will end and hindi na ako mag papaka tanga dahil alam ko na pati sarili ko ay niloloko ko na.



"okay i'll pick you up na" sabay end ni toffi ng call. alam kong maya maya lang ay nandito na siya. hindi ako mapakali. kinakabahan ako sa gagawin ko. alam kong magagalit ang kakambal ko pero kailangan ko itong gawin. i'm not happy anymore. 



pag dating namin ay umupo na kami agad sa isang malaking bato. nakatitig lang ako sa mga puno. "are you okay?" 


hindi ako sumagot sa kanya. yumakap lang ako sa kanya at nag iipon ng lakas ng loob. "Riff i'm breaking up with you..." 


"what?" mahinang tanong ni toffi. nakikita ko ang maluha luha niyang mata. "Ia, ikaw nalang ang meron ako. hindi ko kakayanin.."  humawak siya sa kamay ko at binitawan ko ito.


"sorry. i dont love you anymore" umiiyak kong sabi sa kanya. mahal kita toffi, mahal kita pero alam kong hindi ako ang mahal mo talaga. ayokong mamuhay ka sa isang mundong ginawa ko lang para mapunta ka sa akin. 



"baka hindi ka lang okay.. baka masama lang ang pakiramdam mo. ia wag naman ganito.." hinahawakan nya ako pero tinataboy ko na siya. "may mahal na akong iba" 


sinabi ko yan dahil alam kong mag titigil siya. yan ang ikagagalit niya. tumahimik siya at maya maya ay sumakay na siya sa kotse nya."let's go ihahatid na kita sainyo pauwi" malamig na sabi niya.



"no, he'll pick me up" hindi na siya nag salita at nag drive na paalis. humagulgol ako dahil hindi naman totoo ang sinabi ko. walang mag hahatid sakin. huhuhu



mag isa akong umuwi sa amin. kitang kita ko ang awa sa mga mata ni Ianna. Ilang araw din akong hindi makakain, hindi makakilos, walang gana mabuhay. Alam kong nagagalit na ang kakambal ko kay Toffi pero wala na akong gana mag paliwanag pa.


"Nelle! tama na ano ba! di lang siya ang nag iisang lalaki sa mundo! hindi tamang mag inom ka dahil sa kanya!" 


hindi ako sumagot at ininom ko lalo ang beer na nasa harapan ko. nasa isang bar ako at alam kong nakasunod si ianna sa akin. 

The Gangster Princess and The Campus Hearthrob Gangster (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon