Princess Ai's POV
tinititigan ko si riff. napatagal ang tingin ko sa kanyang labi, sunod sa kanyang pisngi na kapag nag sasalita o ngumingiti ay lumalabas ang dimples, ang matangos niyang ilong, ang di kahabaan niyang pilik mata. ang kinis ng mukha niya. "hmmm." hinihimas himas niya yung ulo niya.
tama yan, tamaan ka ng hangover! deserve mo yan! tss paano kung nag black out siya tapos wala ako sa tabi nya? o kaya wala siyang kasama? edi baka kung ano ng nangyare sa kanya?
"are you okay na?" bakit gulat na gulat yung mukha nya? hindi ba nya alam na muntik na siyang mapalo ng paddle sa ulo?
"P-Princess AI?!"nauutal siya? tapos natulala siya sa mukha ko? may muta ba ako? may pangit ba sa mukha ko? baka pangit ang make up ko? nag light make up ako ngayon!
*FLASHBACK*
"okay ka lang ba?" tanong ko kay riff pag tapos ko saktan at paalisin ang lalaking yon. kung may masamang nangyari kay riff, di ka na aabutan ng umaga sa akin.
hindi na natapos ang sasabihin ni riff nang bigla siyang mag black out
hala! pano to? bubuhatin ko? ang bigat nito! sayang ang make up ko! bakit pa kasi dumaan ako dito e kung hindi ako dumaan edi sana, nasa bahay na ako.
no no no
pero okay na rin to, kung hindi ako dumaan, edi baka kung nao na nangyare kay riff diba.
nakakamiss din tong lalaking to, yung ang clingy nya pero ang sungit sa iba. yung di siya nahihiyang iparamdam sayo na special ka. yung alam niya kung ano ginagawa niya pag nag de-date kami.
hinatak ko lang naman siya papunta sa car ko pero alam ko may nakatingin samin. na fefeel ko yon. alam kong may something eh. alam ko kasi kapag may tumitingin sa kilos ko.
nung nakadating na kami sa mansion namin, tulog padin siya. kaya pina buhat ko siya sa mga guards namin. alangan ako mag buhat sa kanya? no!
nag pa kuha pa ako ng extra bed, para ipag dikit ko sa kama ko, para kahit papano, katabi ko siya. kahit na sandali lang, hihiramin ko muna siya kay ia. nasan na ba kasi si ia? Missing in action kung kelan kailangan siya ni riff!
*END OF FLASHBACK*
pinunasan ko yung mukha niya.
"oh, Princess Ai, anong nangyare diyan?" gulat na tanong ni cj. tapos tinulungan nya ako.
"sa sobrang lasing siguro, nag black out na. di naman pala strong kung makapag solo ng inom parang laki ng problema" paliwanag ko kay cj.
narinig ko siyang bumubulong ng "ikaw ba naman mawalan ng p.." pero di ko na narinig yung last part. di ko na tinanong kung ano kasi mas gusto ko mag focus kay riff.
BINABASA MO ANG
The Gangster Princess and The Campus Hearthrob Gangster (ON GOING)
Novela JuvenilIsang babaeng gangster na may mapait na nakaraan at isang hearthrob sa campus ang magkakakilala. Basahin ang kwento upang malaman kung paano nila haharapin ang mga pagsubok at kung sino ang mga taong babalik mula sa nakaraan na magbibigay pagsubok s...