Princess AI's POV
"ang landi mo talaga"
"pati si King Riff inaagaw"
"Ang landi ng grupo nyo"
Tinignan ko sila at tinaasan ng kilay. halata naman na natakot sila sa ginawa ko. sus ang dadaldal takot naman! ganyan ang naririnig ko nitong mga nakaraang araw at nasasanay na ako sa kanila pero minsan gusto ko silang patulan dahil nakakarindi na.
pano kasi itong si riff hindi ko alam kung nang tritrip ba o ano kasi nitong nakaraang araw ay masyadong sweet sa akin minsan naman ay tahimik o suplado.
ngayon, katabi ko siya. nakipag palit ng upuan kay ria. gusto daw nya ako makatabi at di ko alam kung bakit.
"bakit gusto mo ako katabi?"
"wala lang, gusto ko lang na malapit ka sa akin" sabay subsob nya sa desk niya.
"nang ti-trip ka lang no? gusto mo lang ako pag tripan ng mga panget na nag hahabol sayo e"
napatingin siya sakin na naniningkit ang mata. bumilis ang tibok ng puso ko. bakit ganito?
"anong gusto pag tripan? e ayaw ko nga makarinig ng ganon galing sa bibig nila!"
"Princess Ai, Riff! Quiet! Nag didiscuss ako!" galit na sabi sa amin ng teacher namin. ang lakas kasi ng boses! nag bubulungan lang kami ni riff e sumisigaw. di namin pinansin si mam at tumungo nalang ako.
hindi dahil napahiya ako. kundi dahil nakaramdam ako ng kilig sa sinabi ni Riff!
UGH!
*
tapos na ang klase at nag aayos na kami ng bag namin dahil oras na para gumawa ng props para sa gagamitin ni ria sa pageant dahil malapit na din.
busy kaming tatlong girls sa pag dedesign ng ibang gown na susuotin ni ria.
"Sassy nagugutom ako gusto ko ng choco butternut!" reklamo ko sabay nguso. ibinaba ko muna ang mga gamit na hawak ko dahil napapagod na ang kamay ko kakalagay ng beads dito sa gown ni ria.
nakita ko kasi kanina ang picture ng choco butternut habang nag s-scroll ako sa facebook!
"Wag kang magulo Princess AI nag coconcentrate ako dito baka pumangit itong gown ni ria dapat maganda siya don!" pag susungit ni sassy kaya no choice kundi tinuloy ko ginagawa ko.
*
"oh!" may paper bag nanaman na nasa mukha ko
at may nagbubulungan nanaman. mukhang alam ko na kung ano at sino ito
"Choco butternut!" hindi ko napigilang sabi at ngiting ngiti ako!
"Thank you riff!" sabay hug ko sakanya at nung narealize ko ay humiwalay ako agad. tinignan ko ang paligid at lahat sila nakatulala at halatang nagulat.
BINABASA MO ANG
The Gangster Princess and The Campus Hearthrob Gangster (ON GOING)
TienerfictieIsang babaeng gangster na may mapait na nakaraan at isang hearthrob sa campus ang magkakakilala. Basahin ang kwento upang malaman kung paano nila haharapin ang mga pagsubok at kung sino ang mga taong babalik mula sa nakaraan na magbibigay pagsubok s...