Chapter 20

6 0 0
                                    


SASSY'S POV



kaming lahat ng nakakita ay parang nanigas sa nangyayari. di ko na tinignan ang itsura ng mga ksama ko, si princess ai ang iniisip ko, ang nararamdaman niya. 


ang gulo gulo nila, hindi ko maintindihan ang nararamdaman nila pero nakaramdam ako ng pagkainis nang makita kong nag hahalikan si Riff at si Ia. ganon nalang ba yon? di man lang ba nila dadaanin sa maayos na usapan para magkalinawan sila kung ano ba talaga ang meron sa kanila?


nadadamay pa ang ibang tao. ito rin naman si Ia, parang gusto rin niya. Parang ayos lang sa kanya na gamitin siya ni Riff! natutuwa ba siyang nakakasakit siya ng babae? alam naman niya na may something kay princess ai at riff, ganon nalang siya bumalik sa eksena?


tinignan ko ang reaksyon ni Princess Ai, kita ko sa mata niya na malungkot at nasasaktan siya. 
mukhang napansin naman ni Cj yon kaya niyakap niya si Princess ai at sinakay na sa sasakyan niya. 


nang makaalis sila ay tumigil na si riff. biglang lumapit si andrei at biglang tinulak si Riff. 
"tangina riff, ano bang ginagawa mo?" halata sa mukha niya ang inis sa kinilos ni riff. "ang bastos mo tangina! ganyan ka ba kalala?" nag pipigil si andrei.


"bakit? ano bang mali? wala naman talagang meron samin." sabi ni riff.


"wala kaming masamang ginagawa, we're back remember?" sabat ni Ia


"wag kang mag salita di ikaw ang kinakausap" masungit na sabi ni ria. mag sasalita pa sana si Ia ulit nang di na nakapag timpi si ria, nagulat nalang kami hawak na niya ang buhok ni Ia. "ikaw talaga ang harot harot mo no!" lumapit agad si andrei sa kanya at pinigila si ria tumulong na din si riff dahil hindi makaganti si Ia sa lakas ni Ria.


halos lahat kami dito ay parang kalaban ang tingin sa dalawang to dahil sa ginawa kay Princess Ai. kahit ako rin naman siguro kung sa harap ko mag hahalikan ang lalaking gusto ko at ang ex niya masasaktan din. pano kung sinadya pa?


"kaibigan ko rin si princess ai, hindi maganda ang ginawa mo. para mo siyang ginago harap harapan." sabi ni andrei at pumunta na sa sasakyan, sumunod naman si ria. hindi na siya nag sasalita si ria pero alam ko nag titimpi rin to.


"wala namang mali sa ginawa ko ah" depensa ni riff tapos parang ang kilos pa niya ay inosente siya at wala siyang ginawang masama. "oo nga, normal lang naman yon sa mag jowa" sabi ni Ia. wala nang pumansin kay Ia.


"kaibigan ko rin si princess ai, riff. nakaka off yang ginawa mo. nakaka disappoint ka dude. sassy halika na." tawag sakin ni matthew. 

"ano Ia? masaya ka na nakakasakit ka?" at inirapan ko siya. di naman nag sasalita si Ia.


ngayon ko lang nakita na sobrang concern ni andrei at matthew sa kaibigang babae. nakakatuwa rin dahil napunta kami sa ganitong klase pagkakaibigan. safe kami, walang nambabastos o ano man. 


inistart na ni Andrei ang sasakyan at sinimulan ng mag drive. naiwan si riff at ia don na nag uusap. 

The Gangster Princess and The Campus Hearthrob Gangster (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon