Warning R18
BRIELLE POV
Unang game namin to para sa sportfest dito sa university namin gaganapin yung unang laro, hindi ako nag karoon ng chance na kausapin si Zach kasi sobrang hayok sa practice yung coach namin at si captain kaya palagi akong pagod, pakiramdam ko nga sobrang bait ko na kasi tagal nadin namin walang inom.
"Kinakabahan ako!" Parang tanga sabi ni Amire habang nag aayos ng jersey niya.
"Weak naman yung kalaban natin ngayon, kaya wag kang kabahan." Pag yayabang ko.
"Napakayabang mo talaga!" Umiling pa siya kaya ngumisi lang ako.
Hindi pa nag sisimula ang laban pero ang ingay na ng buong court. Nakita ko naman sila Iris na nasa katabi ni coach kasama ang basketball team, agad akong umiwas ng tingin ng makita ko si Zach na nakatingin din sa akin.
Bigla akong kinabahan, awit!
Nag simula na yung laban at kagaya ng sabi ko kanina weak tong kalaban namin. Kaya napaka basic parang hindi nga kami napagod.
"First game panalo agad for sure tayo ulit champion ngayong taon." Masayang sabi ni cap after namin matalo yung unang university na kalaban namin.
"Parang hindi naman nag papractice yung kalaban niyo." Natatawang sabi ni Kath saka kinuha yung bottled water ko saka uminom. Abnoy talaga.
"Well let's go to basketball gym naman." Pag yaya ni Iris. Nag palit lang kami saglit ni Amire ng damit bago sumunod sa basketball gym.
"Kailan nga ang laban nila sa Mikhail?" Tanong ko pag kaupo ko sa bench.
"Sa 3rd game yata." Sabi ni Kade.
"Ate want niyo?" Inabutan kami ni Aira ng pagkain na kinuha din namin agad. Kakagutom kaya mag laro.
Ilang minuto pa inantay namin bago mag simula yung laban. Hindi kasama si Travis at Zach sa first five mga senior na kasi kaya siguro yung mga bago muna pinapalaro nila.
Medyo may ibubuga yung kalaban nila kaya medyo nahirapan maka score sila Galvin at Drein.
Napatayo ako ng biglang binalya nung kalaban si Drein kaya malakas siyang bumagsak sa sahig.
"Foul number fourteen, Southeast university!" Sigaw ng referee. Tumawag din ng time out ang coach ng team namin.
Bumaba ako ng bench para puntahan si Drein.
"Ayos ka lang?" / "Are you okay?" Napatingin ako Kay Yuriko ng sabay kaming mag tanong kay Drein.
"Masakit sa likod may galit yata yun." Natatawang sagot ni Drein saka uminom ng tubig.
"Anong number nun 14? Tama ba?" Maangas kong tanong.
"Hoy Natasha tigilan mo yang naiisip mo, Kasama sa laro to." Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa pag tawag niya ng Natasha sa akin.
"Hindi kasama sa laro ang balyahin ang kalaban, Drein!" Singhal ko sa kanya.
"Waw, ang concern mo naman." Pang aasar niya kaya binatukan ko siya.
"Yuriko, tapos naba class mo?" Tanong ni Drein kay Yuriko.
"Ahh opo tapos na." Magalang niyang sagot saka nahihiyang tumingin sa akin.
"Yuri nandyan ka pala! Tara dito kana tumabi sa amin." Sigaw ni Lionel.
"Sige." Balisang sabi ni Yuriko saka nag mamadaling pumunta sa inuupuan nila Lionel.
BINABASA MO ANG
Chasing Dreams
RandomStory of a two girls na mag kaiba ang pananaw sa buhay, mag kaiba ang paniniwala at mag kaiba ang mga bagay na pinaniniwalaan. Pero ang pag kakaiba ba nila na yun ang mag tutulak sa kanila para maging the best of friends o ang mag uudyok lalo para k...