IRIS POV
"What the hell! Ang bobo mo naman kalaro!" I shouted, wala ba akong makakalaban na medyo magaling naman?
The one na may thrill, sana!
"Hey girl calm down." I rolled my eyes then gave Vanessa a death glare.
Isa pa to!
"How can I calm, Kaye? Kung makakasama ko yung bwisit na babae na yun!" Vanessa Kaye is her name, but mas bet ko yung Kaye haba kasi ng Vanessa.
Hindi ko siya matatawag na kaibigan or what kasi minsan madalas din kaming mag away lalo na kapag kami ang match sa billiard.
"What's wrong with that? Edi wag mo nalang pansinin, kunyari wala kang kasama ganun."
"Tss. As if kaya kong hindi pansinin ang presence niya." Binato ko yung cue stick sa kung saan man, Kaye gave me a can beer na agad kong kinuha at binuksan.
"Iris! Wala ka nanaman sa klase mo?" I took a glanced at Galvin then rolled my eyes ng makita kong kasama niya yung maarteng si Mikaela.
Maarte ako yes but bagay yun sa ganda ko and sa situation ni Mikaela, ghad! Hindi bagay sa pilit niyang ganda yung pagiging maarte niya.
"Boring ang history class ko, Galvin!" I said while drinking my beer.
"Hindi yun rason! Palagi ka nalang cutting, yari ka talaga kay Tita Ingrid." Lalong uminit ang ulo ko dahil naalala ko nanaman yung usapan namin ni Mommy.
"Hmm Iris, I heard na sa Windsor pala kayo ni Brielle mag aaral for college! I'm so excited na maging schoolmate ko kayo!" So plastic!
"Ako hindi excited na maging schoolmate ka." Gulat niya akong tiningnan pero umirap lang ako.
"Wag kana sumimangot, pasensya na sa best friend ko. Tara turuan nalang kita mag billiard." Pag aalo sa kanya ni Galvin.
Ang layo ng Windsor sa billiard house na'to pero nadadayo niya para lang humarot sa best friend ko.
"Galvin! Nice nandito ka din pala!" I saw how Kaye face turns red when she saw Rylan.
Ultimate crush niya si Rylan since then kaya ang init din ng dugo niya kay Brielle, well mas maganda naman talaga si Brielle compared to her.
"Hi Kade!" Automatic na napatingin ako kay Mikaela saka dun sa tinawag niyang Kade.
"Hey Mika! Hindi mo kasama si Lorh?" My eyebrows automatically raised, dahil sa tanong niya.
"Hindi e, she's so busy with her acads you know their family naman, si Brielle lang yata ang hindi ganun sa kanila." Ang plastic talaga ni Mikaela kapag kaharap naman si Brielle puring puri niya! Impakta!
"Hoy Harry! What you're doing here ha!"
"Tatambay Ate." Casual niyang sagot saka umirap, Ay barbie?
"You have a class, right?"
"Yeah Ate, ikaw din naman may klase pero nandito ka."
"So ginagaya mo ako?" Iritang tanong ko.
"Yeah, sympre ikaw role model ko, ikaw panganay e." He rudely answered me saka hinagis yung bag niya.
Lumapit ako saka siya hinampas ng cue stick sa balikat. "MASAKIT!" Reklamo niya pero umirap lang ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Dreams
RandomStory of a two girls na mag kaiba ang pananaw sa buhay, mag kaiba ang paniniwala at mag kaiba ang mga bagay na pinaniniwalaan. Pero ang pag kakaiba ba nila na yun ang mag tutulak sa kanila para maging the best of friends o ang mag uudyok lalo para k...