PROLOGUE

46 3 0
                                    

Pag kalabas ng huling professor nila Natasha, nag mamadaling sinuot ng dalaga ang bag at tumakbo palabas ng room nila, pero bago pa man siya makalayo sa room agad na siyang nahila ng best friend niya.

"Mag di-ditch ka nanaman!"

"Kailangan kong pumunta sa tournament, Drein!" Hinila niya ang brasong hawak ng best friend niya pero mahigpit ang pag kakahawak nun sa kanya. "Rylan Drein!"

"Hindi ka mag di-ditch!"

"Anak ng! Kailangan ko ngang pumunta sa tournament!" Pinanlisikan niya ng mata ang kaibigan pero nilaban lang nito ang titig niya.

"I'll come with you."

"Pumasok ka sa klase mo!"

"Kung hindi ka papasok, hindi nadin ako papasok!"

"Parang gago!"

"Ang daldal mo, tara na baka nag sisimula na sila." Hinatak ni Rylan si Natasha papuntang parking lot saka naunang sumakay sa kotse niya.

"One ball!" Maarteng sigaw ni Iris saka bahagyang yumuko para tirahin ang huling bola na pag papanalo sa kanya. "Gotcha! I won! I told you Vanessa, hindi ka mananalo sa akin." Pag yayabang ng dalaga, saka nag flip hair.

Inis naman binato ni Vanessa ang cue stick saka umalis doon.

"Yow, Drein! Nandito na pala kayo!" Agad na bati ni Galvin saka nakipag fist bump kay Drein. "Oh kasama mo pala si Natasha!"

"It's Brielle!"

"Napakaarte niyo ni Astrid sa pangalan niyo." Umirap pa na parang babae si  Galvin, kaya naman natawa sa kanya si Drein.

'Bitch' Parehas na nasabi ni Natasha at Iris sa isa't isa ng mag tama ang paningin nilang dalawa.

Parehas matalim ang titig nila na parang pinapatay ang isa't-isa. Napabuntong hininga na lang sila Drein at Galvin dahil sa inasta ng mga dalaga.

"Another loser are here!" Maarteng sigaw ni Iris saka kinuha ang cue stick.

"Excuse me?" Maangas na tanong ni Natasha.

"Stop being maangas, Brielle! Wala namang laban yang angas mo kapag nag lalaro na tayo." Inis na kinuha ni Natasha ang isa pang cue stick.

"Tingnan natin." Pumwesto na si Natasha saka inayos ang mga bola.

Naunang tumira si Natasha, nakangiti ito ng sunod sunod ang pag kaka hulog niya sa mga bola.

Kunot noo naman nanunuod sa kanya si Iris at sumilay ang ngiti niyang nang aasar ng sumablay si Natasha sa pag tira.

"Malas mo, pinatira mo pa ako." Mayabang na sabi ni Iris saka nag simulang tumira.

"Tsk!"

Nayayamot na si Natasha ng sunod sunod ang pag pasok ng mga tinitira ni Iris. "Tsk! One ball, Brielle at talo nanaman kita." Inis na hinampas ni Natasha ang cue stick ng manalo nanaman si Iris.

"I told you hindi ka mananalo sa akin. Hindi kaba nanawa sa paulit ulit mong pag katalo."

"Tsk!" Yun lang ang nasabi ni Natasha bago niya kunin ang bag saka lumayas sa lugar, dali dali namang sumunod sa kanya si Drein.

"Hoy! Kalma kalang laro lang yun!

"Tangina! Nauurat padin ako!"

Kinuha ni Natasha yung sigarilyo niya sa bag niya saka yun sinindihan.

Chasing Dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon