CHAPTER EIGHT

8 1 1
                                    

ELAINA POV

Kanina ko pa tinitingnan yung orasan ko, ilang minutes nalang 30 minutes nang late yung prof namin so it means wala ng klase.

Lihim akong napangiti noong saktong 30 mins ng late yung prof namin. Kinuha ko agad yung bag ko saka nilagay sa balikat ko. Haba ng vacant, tatambay muna ako sa basketball gym!

"Elaina!" Napahinto ako ng tawagin ako ni Lorh. Teka si Lorh tinawag ako? Baka nahihibang lang ako.

"Hmm tawag mo ako?" Tanong ko saka tinuro yung sarili ko.

"Yeah, mahaba yung vacant natin, hmm saan ka tatambay?" Gulat akong tumingin sa kanya. Seryoso ba siya?

"Bakit sasama ka sa akin?" Tanong ko nanaman.

"Hmm if it's okay with you."

"Oh sure! Tara na." Ngumiti lang siya saka sumabay ng lakad sa akin.

Agad kaming nag ka-tinginan ni Lorh, ng makita namin si Carter at Kade na nag tatalo sa labas ng pinto ng classroom nila.

"Bobo mo kasi! Tangina napalabas nanaman tayo!" Sigaw ni Carter habang nag kakamot ng ulo.

"Hindi ko naman alam na nakahigh volume pala yung phone ko. Ako nga din nagulat nung nag play ng malakas." Tatawang sabi ni Kade.

"Napalabas nanaman kayo no?" Gulat silang napatingin sa amin ng mag salita ako.

"Elaina! Baby Lorh!" Gulat na sabi ni Kade kaya natawa ako.

"Tanga kasi niyan ni Kade, manunuod sana kami kasi ang boring ni Hernandez, pota naka high volume amp, wala pa naman kaming earphone. Ayun naurat sa amin si tanda pinalabas kami." Mahabang paliwanag ni Carter habang nakatingin sa kambal niyang nanlilisik na ang paningin sa kanya.

"Maling mali yung pag lipat ni Tita Ingrid sayo here, Kade! Hindi dapat kayo pinag sasama kasi puro kayo kalokohan." Panenermon ni Lorh.

"Tama na nga yan, total wala kaming klase at napalabas naman na kayo, tara nalang nuod tayo practice nila kuya Galvin at Rylan." Suggestion ko.

"Mabuti pa nga." Sabi ni Carter.

"Baby wag kana sumimangot." Panunuyo ni Kade kay Lorh.

"Baby mo muka mo!" Mataray na sagot ni Lorh saka siya nilagpasan.

"Mukang bawas points ka nanaman kay Lorh, pasaway ka kasi." Pang aasar ko.

"Hayaan mona, papabebe lang sa akin yun, tara na." Nakangiting sabi niya saka ako inakbayan.

Aalisin ko sana yung kamay niya pero nakaladkad na niya ako.

"Kuyaaaa!" Nakakahiya talaga to kasama minsan si Kade.

"Oh mag kakasama kayo wala ba kayong klase?" Tanong ni Kuya Rylan habang nainom ng tubig.

"Wala pa kuya." Sagot ni Carter.

"Hi Galvin!" Napatingin kami kay Mika ng sumigaw siya, kasama niya si Ate Brielle na mukang walang tulog.

"Uyy Mika." Pi-nat lang ni Kuya Galvin si Mika sa ulo.

"How is she?" Lumapit si Travis kay Ate Brielle.

"Buhay pa naman, hindi ko lang alam kung nakapasok ba yun. Ang lala e." Ngumisi si Ate Brielle.

"Natasha."

"Wag ngayon, Zacharias madami akong gagawin." Natawa ng malakas si Zach.

"Okay okay!"

Chasing Dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon