BRIELLE POV
Kanina pa ako bagot na bagot, tanginang ni Iris napakabagal kumilos. Kanina pa yung ligo niya. Inis akong kumatok sa kwarto niya.
"Hoy! Ano jan ka nalang ba? Kanina kapa ahh!" Sigaw ko saka kinatok ulit yung kwarto niya.
Sabado ngayon at ngayon ang araw ng parusa namin dahil sa gulong ginawa namin, kailangan naming mamalengke para bumili ng mga lulutuin para sa feeding program na sinusuportahan ng school namin.
"Wait! Almost done na!" Rinig kong sigaw niya sa loob kaya kinalabog ko ulit yung pinto niya.
"Tangina naman! Wala namang mababago sa muka mo!" Sigaw ko ulit.
Pag kalabas niya, ang sarap niyang sampalin dahil sa suot niya, mamalengke tapos naka heels at fitted na dress, ano ba tong anak ni Tita Ingrid.
"Okay kana talaga sa suot mo?"
"Of course."
Inirapan ko nalang siya saka naunang lumabas, bahala siya sa buhay niya. Kotse ko yung ginamit namin, pag dating namin sa public market agad naningkit yung mata ni Iris.
"Omg! Why so dirty here naman!" Napairap nalang ako sa pag iinarte ni Iris. "Omg talaga! Why here tayo mamalengke? It's fine siguro kung sa private market tayo." Hindi ko padin siya pinapansin.
"Brielle! Dammit! Talk to me!" Inis ko siyang nilingon saka sinamaan ng tingin.
"Ano ba yun?" Iritang tanong ko.
"I can't buy here! Please lets go nalang sa private market!"
"Budget lang yung pera na binigay ng school! Hindi ko din gamay dito pero parusa natin to, kaya wag ka ng maarte!"
"We can use our allowance naman e, I can gastos my allowance, wag lang tayo dito." Gusto kong matawa sa itsura niya. "Omg! Be careful kuya, I'm natatalsikan!" Nasapo ko yung noo ko, tangina talaga ng kaartehan ng babaeng to.
"Ayoko nga gastuhin allowance ko, kaya ko naman bumili dito, ikaw lang naman maarte dito." Aba! Bahala siya sa buhay niya jan.
Nag simula akong mag lakad, naririndi ako na natatawa sa bawat reklamo ni Iris, nakakahiya siya kasi nangingibabaw yung pagiging conyo niya.
"Mga apat na kilo. Oo saka yung mga dahon na pwede ilagay jan." Pati ako nabobo dito sa palengke. Daming nakalista sa papel na gulay, malay ko ba sa mga nakasulat dito.
"So dami paba ng bibilhin? I'm super tried na, Brielle! And so madulas and malansa yung sahig!"
"Ikaw pa napagod wala ka ngang silbi dito, tangina oh buhatin mo!" Inabot ko yung ilang plastik na hawak ko.
Pag katapos namin bilhin lahat bumalik na kami sa kotse ko.
"Omg talaga! Hindi ko na uulitin to! I swear!" Halatang pagod na pagod siya at namumula nadin yung paa niya, bahala siya jan. Tangina arte arte niya.
Medyo natagalan kami pag punta sa daycare center na sinusuportahan ng school namin, sa may ortigas pa yun banda tapos traffic pa.
Pag dating namin dun nagulat ako ng makita si Amire sa canteen na nag hihiwa ng mga kung ano ano.
"Amire! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Brielle! Ikaw anong ginagawa mo dito? Nakatanggap ako ng scholarship sa Windsor ang kapalit ay mag sisilbi ako dito sa daycare center tuwing sabado." Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Dreams
РазноеStory of a two girls na mag kaiba ang pananaw sa buhay, mag kaiba ang paniniwala at mag kaiba ang mga bagay na pinaniniwalaan. Pero ang pag kakaiba ba nila na yun ang mag tutulak sa kanila para maging the best of friends o ang mag uudyok lalo para k...