CHAPTER TWENTY

18 1 3
                                    

GALVIN POV

Nahirapan akong imulat ang mga mata ko dahil sa bigat na nararamdaman ko pakiramdam ko nabugbog ako na ewan. Nang maimulat ko ang mga mata ko puting ceiling ang bumungad sa akin.

Nasaan ako?

Sumakit yung ulo dahil pilit kong inaalala kung anong nangyari bakit nasa hospital ako. Agad akong napabangon na parang nawala lahat ng sakit nararamdaman ko ng maalala ko yung nangyari.

Sobrang lasing na ako ng biglang nag kagulo sa eroplano.

"Mommy! Kuya is awake!" Narinig kong sigaw ng nakakabatang kapatid ko.

"Omygosh! Galvin! Are you okay lang ba? May masakit ba sayo ha? Tell me." Sunod sunod na tanong ni mommy sa akin.

"Nasaan si Iris mom? Si Brielle? Si Rylan? Nasan ang mga kaibigan ko?" Nag papanic na ako, wala akong maalala bukod sa nalasing ako at nag kagulo sa eroplano.

"Calm down anak." Nakita ko ang pag aalala sa mga mata ni mommy kaya naman kumalma ako.

"Where are they mom?" Naiiyak na tanong ko, sasagot na sana si mommy pero biglang may doctor na dumating kaya naman cheneck muna nila ako.

After ng ilang minuto sinabi ng doctor na maayos na talaga ako at wala ng dapat ipag alala.

"Now tell me mom nasaan ang mga kaibigan ko?" Tanong ko ulit.

"Vanessa and Mikaela are okay while comatose padin si Rylan." Parang huminto yung tibok ng puso ko, fuck!

"Si Iris at Natasha nasaan? Pati si Amire nasaan? Anong lagay nila?" Bumakas ang lungkot sa muka ni mommy kaya nag simulang kumabog ng malakas ang dibdib ko. "Mommy?" Tanong ko ulit ng hindi siya nag sasalita.

"They're still missing, hanggang ngayon wala pa kaming balita sa kanilang tatlo. Umalis ang Tita Lhia at Tita Ingrid mo kasama ang asawa nila para hanapin yung tatlo pero wala padin kaming balita." Nabalot ng kaba at takot ang buong pag katao ko.

Nawawala sila?

"It's all my fault mommy! Kung hindi ako nag lasing at mas inuna yung kaligtasan naming lahat sana okay kaming lahat!" Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Wala kang kasalanan anak, hindi niyo gusto yung nangyari walang may kasalanan, okay?" Niyakap ako ni mommy para pakalmahin pero hindi naalis ang kaba at pag aalala ko.

"Nasaan si Rylan mommy? Gusto ko siyang makita." Pakiusap ko.

Inantay namin makarating yung wheelchair para hindi ako mahirapan kasi medyo hindi kopa kaya mag lakad. Mahina pa yung binti ko dahil sa tama ko dun.

Niyakap ako ni Tita Anica ng makita niya ako. Awang awa ako ng makitang madaming apparatus ang nakakabit kay Rylan.

"Tol! Gising na, anak ng ewan naman. Hindi ako sanay na nakaratay ka!" Humihikbing bulong ko sa kanya. Alam kong maririnig niya ako. "Nawawala daw ang mga kaibigan natin, gising kana jan kailangan nating tumulong sa pag hahanap." Ang bakla tingnan pero wala akong pake nadudurog talaga ang puso ko.

"Nandyan sila Khane, kasama ni Khane si Kade at Travis na parehas may tama." Napalingon kami agad kay Tito Jared.

"Anong may tama? Bakit nandito sila Kade at Travis?" Natatarantang tanong ni Tita Anica.

Umalis ng kwarto ni Rylan sila Mommy kaya kami nalang ni Yuriko ang natira.

"Yuriko, tulungan mo ako. Kailangan kong makapunta sa labas." Bakit ba kasi nila ako iniwan! Bakit hindi ako sinama palabas. "Hoy! Yuriko!"

Chasing Dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon