CHAPTER TWENTY TWO

11 0 1
                                    

BRIELLE POV

Naiwan akong nakatulala sa kwarto ko pag katapos niya akong halikan. Shit! Pakiramdam ko ang bigat bigat sa pakiramdam, he likes me? Tama ako ng pag kakarinig diba? Gusto niya ako? Gusto ako ni Brix?

Fuck! Bakit ganito? Si Zach ba gusto din ako? Hindi pa naman siya naamin, diba? Pinag titripan lang naman ako nang isang yun diba?

Pero bakit malambing at malaman ang mga sinasabi niya minsan? Teka! Bakit parang ang gulo! Hinalikan ako ni Zach tapos hinalikan din ako ni Brix na pinsan niya, fuck!

Pero gusto ako ni Brix? Putangina, Brielle! Nag iinit yung pisngi ko, pota kinikilig ba ako?

Natigil ako sa pag iisip ng kung ano ano ng dumating si mommy kasama yung isang nurse na nag asikaso saken, dederetcho na sana kami kay Drein ng maalala ko si Iris.

"Mom pwede kay Iris muna tayo pumunta." Masayang ngumiti si mommy saka kami pumunta sa kwarto ni Iris.

Pag pasok namin nagulat pa si Iris ng makita ako pero agad din namang ngumiti.

"Brielle!" Masayang bati niya.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ko pag kalapit ko sa kanya.

"I'm perfectly fine, ikaw are you okay naba? How's your head?"

"Okay naman na, natahi nadin yung sugat ko sa ulo buti nga hindi natanggal utak ko, ang lakas ng pag kakahampas sa akin e." Sabay kaming natawa dahil sa sinabi ko.

"She's fucking crazy!"

"Yeah. Tara punta tayo kay Drein." Inantay namin muna yung wheelchair niya kasi may tama pa yung binti niya, bago kami pumunta sa room ni Drein.

Agad akong napangiti ng makitang gising na si Drein at kasama pa niya si Galvin na nakangiti din. Niyakap ni Galvin si Iris ako naman ay inalalayan para makaupo sa gilid ng kama ni Drein saka siya niyakap ng mahigpit.

"Masaya ako na okay na tayong lahat." Masayang sabi ko.

"Nabalitaan ko din yung nangyari sa inyo, sorry kasi napabayaan namin kayo." Hinarap ko si Drein saka pinitik sa noo. "Aray naman!"

"Wala ka namang kasalanan! Wala namang may gusto ng nangyari!" Sermon ko.

Maya maya pumasok nadin si Travis na kasama si Amire. Nginitian ko silang dalawa at nakita ko namang tumalim ang tingin ni Iris.

"Hey friend." Bati ni Travis kay Iris kaya natawa ako ng lalong sumama ang muka ni Iris.

"Friend your face, Travis!"

"Are you mad my friend?" Pang aasar pa ni Travis.

Sumunod din sila mommy at daddy pati mga tito at tita namin. Buti nalang malaki ang room ni Drein kaya nag kasya kami.

My dad discuss lang sa amin about sa plano nang pag balik sa manila at baka bukas daw ang dating ng private plane na susundo sa aming lahat na may kasamang medical team galing sa hospital ni Tita Ingrid.

Isa isa na silang nag lalabasan, nag paalam muna ako kay Drein na babalik na ako sa kwarto ko ngumiti lang siya sa akin.

Pag kalabas ko nagulat ako ng hapitin ako ni Brix sa bewang.

"I'll be back to your room later, may aasikasuhin lang ako." Bulong niya saka ako dinampian ng halik sa labi.

Agad akong tumingin sa paligid ko para i-check kung may nakakita sa amin. Nakahinga ako ng maluwag ng halos busy sila sa isa't-isa.

Chasing Dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon