KHANE POV (Iris Dad from my first book, 'Forbidden Status')
Puro talaga kalokahan tong bunso ko! Ako tuloy ang nautusan ng mommy niya! Nakangiti akong bumaba sa kotse ko at nilibot ang tingin sa Windsor.
'I miss you my university!'
"Hoy, Khane!" Napadilat ako ng makita si Lucas.
"Hala, gago. Ikaw din pinapunta ni Clarissa no?" Natatawang sabi ko.
"Oo! Tangina may meeting pa ako, sarap talaga ibitin ni Carter, kung gaano kabait si Lorh ganun katindi yung pag kapasaway ng kambal niya." Nag kamot nalang sa ulo si Lucas.
"Tara na nga, durugin na natin yung Hernandez nayun, bakit bagsak anak natin." Nag tanong tanong pa kami kung saan yung office nung Hernandez.
"Ikaw na kumatok, Lucas." Sabi ko saka tinulak si Lucas.
Pag katapos namin kumatok sabay na kaming pumasok. Matalim na agad yung tingin sa amin nung matanda. Putcha! Parang kami naman yung bumagsak.
"Good Morning." Formal na bati ko.
"I guess the both of you are the father of Kade and Carter?" Tanong niya na agad kaming sinuri ng tingin.
"I'm Khane Moore, father of Kade." Pag papakilala ko.
"Lucas Anderson, father of Carter." Tinanguan niya kami at pinaupo na.
"Kahapon pinagalitan ko ang anak niyo tapos ngayon ay absent nanaman! Absent nga ba o cutting nanaman!" Oo nga pala hindi ko nakita ang anak ko na umalis ng bahay.
Sabay kaming nag katinginan ni Lucas na parang iisa lang yung nasa isip namin, umuwi ba si Kade kagabe?
"Did you know where your son is?" Sabay kaming umiling ni Lucas. "I also heard na hindi din pumasok si Lorhaine."
"What? Imposibleng mag cutting ang anak kong si Lorhaine." Agad na sagot ni Lucas.
May sinabi pa sa amin yung Hernandez bago kami pinaalis, lintek na Kade yun paanong hindi babagsak puro absent or let me say puro cutting! Buti nalang talaga ako ang pumunta at hindi si Ingrid, baka nag kagulo pa sila.
"Umuwi ba kagabe si Kade?" Tanong ni Lucas pag kalabas namin ng office.
"Hindi ko nga maalala e, late nadin kami nakauwi ni Ingrid kagabi." Umiiling kong sagot.
"Hindi din namin nacheck ni Clarissa kung umalis ba ng bahay yung kambal kagabi." Maya maya pa may tumawag kay Lucas. "Tanga nasa gym daw sila Clyde." Nakangiting sabi niya kaya naman tumakbo kami papuntang gym.
"COACH RANDY!!!" Sigaw namin pag kalapit namin.
Nandun si Clyde, Rhys, Marvin, Jared, Ralph, Jax at Lynard. Parehas silang parang ang lalim ng iniisip.
"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko.
"Practice dapat ng team ngayon pero hanggang ngayon ni isa sa members ko wala pa, ultimo ang Captain nila wala." Dismayadong sabi ni Coach.
"Hindi ko maalalang umuwi si Galvin kagabi." Sabi ni Lynard.
"Si Rylan din pero nag paalam yun na mag babar daw sila, dumaan pa nga si Kade kagabi sa bahay." Agad akong tumingin kay Jared.
BINABASA MO ANG
Chasing Dreams
RandomStory of a two girls na mag kaiba ang pananaw sa buhay, mag kaiba ang paniniwala at mag kaiba ang mga bagay na pinaniniwalaan. Pero ang pag kakaiba ba nila na yun ang mag tutulak sa kanila para maging the best of friends o ang mag uudyok lalo para k...