ELAINA POV
Mabilis kong tinapos yung activity kay Ms. Hernandez para mapuntahan kona agad si Kade. Nag papasama kasi siya sa akin ngayon e.
"Nag mamadali ka, may pupuntahan ka ba?" Nilingon ko saglit si Lorh dahil sa tanong niya.
"Oo may sasamahan lang ako." Sagot ko saka niligpit yung gamit ko para umalis na.
May tinanong pa si Lorh pero hindi kona siya sinagot, tumakbo ako hanggang sa may dulong building ng campus yung pinakaluma malamang nandun na si Kade nag aantay.
"Kade! Kanina kapa?" Tanong ko sa kanya pag ka dating ko dun.
"Oo hindi ko naman pinasukan yung last subject ko e." Sinamaan ko siya ng tingin dahil cutting nanaman siya. "Tara na samahan mo na ako tapos sunod tayo kala kuya Galvin may laban yun sila sa Brint University mamaya."
"Loko ka talaga! Sigurado ka bang may daanan jan?" Hindi pa kasi labasan ng senior high mamaya pa kaya hindi kami makakadaan sa gate. Hindi naman kasi kami kasali sa sport fest, event lang Yun for college. Makulit lang talaga to si Kade.
"Oo jan kami nadaan ni Carter at Lionel kapag nag cutting kami." Natatawang sabi niya kaya pinalo ko siya sa balikat.
"Tara na nga!" Ang layo ng nilakad naminn hanggang sa dead end na yung napuntahan namin. "Pinag loloko mo ba ako Kade? Dead end Naman na to e!"
"Tatawid kasi tayo jan sa bakod." Agad kumunot yung noo ko dahil sa sinabi niya.
"Abnormal ka ba? Naka palda ako tapos ipag oover the bakod mo ako?"
"Ako bahala sayo, tara na." Pinag patong patong ni Kade yung mga bato sa gilid saka naunang umakyat.
"Bilis na Elaina! Nandito naman ako e sasaluin kita." Kahit kinakabahan ako ay tinalon kona din yung bakod.
"Ayyy!" Sigaw ko ng makababa na ako sa kabilang bakod.
"Pasensya kana Elaina ahh, ikaw pa sinama ko dito. Hindi ko kasi pwedeng isama yung dalawa maingay kasi baka madulas pa sila Kay Lorh." Malapit na kasi yung birthday ni Lorh at gustong isurprise ni Kade si Lorh tapos nanghingi siya ng favor sa akin na tulungan ko siya.
"Okay lang! Kaibigan ko din naman si Lorh." Ngumiti ako ng tipid sa kanya.
Malayo pa konti yung nilakad namin bago kami makalabas dun sa puro puno. Loko tong Kade na to.
"Finally nasa labas na tayo ng school." Hinawakan ako ni Kade sa kamay saka siya pumara ng jeep na sasakyan namin. Ilang minuto lang nasa mall na kaming dalawa.
"Ano ba kasi talagang balak mo?" Tanong ko sa kanya.
"Bilhan ko nalang siya ng teddy bear siguro tapos flowers then balloons tapos kahit anong pwede pang design para sa pag surprise. Yung cake niya naman mag bebake nalang ako para mas special diba made by me." Nakangiting sabi niya, maloko lang si Kade pero seryoso talaga siya kay Lorh. Ang swerte mo naman Lorh.
"Elaina!"
"Ayy eto na papunta na." Takteng yan natutulala ako sa mga iniisip ko.
Bumili muna kami ng teddy bear para kay Lorh tapos binili niya din yung paboritong set ng libro ni Lorh. Takte napapasana all nalang ako sa isip ko.
After nun bumili din kami ng mga balloons at kung ano ano pang design. Nag print out din kami ng mga pictures ni Lorh na galing sa mga stolen shots ni Kade.
BINABASA MO ANG
Chasing Dreams
De TodoStory of a two girls na mag kaiba ang pananaw sa buhay, mag kaiba ang paniniwala at mag kaiba ang mga bagay na pinaniniwalaan. Pero ang pag kakaiba ba nila na yun ang mag tutulak sa kanila para maging the best of friends o ang mag uudyok lalo para k...