KADE POV
Tatlong isla ang maaring puntahan ng mga kaibigan namin isang boundary ng cebu at bohol at yung dalawa ay sa bohol mismo.
"Pack your things aalis na tayo, nakita na daw yung isang nawawala pero hindi pa alam kung sino." Putcha kakain palang ako ng almusal e.
"Dead or not?" Tanong ni Kuya Travis kay Kuya Zach. Agad akong kinabahan sa itsura ni Kuya Zach ngayon, nanlulumo siya.
"Dead." Malamig na tugon ni Kuya Zach.
"I hope it's not them." Puno ng pag asang sabi ni Kuya Travis.
Ininom pa namin ni Lionel yung kape namin kahit sobrang init pa. Putcha wala pa kaming tulog at kain. Kamusta naman baka kami ang mamatay nento.
Medyo mahaba yung biniyahe namin papunta sa islang yun. Pag dating namin dun kumpulan na agad lahat ng opisyales ng Windsor at maging sila mommy nandun din.
Maingat na inangat ng rescuer yung bangkay nung estudyante. At dahan dahang nilipag.
Nanginginig na ako sa kaba at unti unti nading natulo yung mga luha ko, hindi ko alam pero sobrang hina ko ngayon.
"Kumalma ka Kade." Bulong ni Lionel. Unti unti ng binuksan yung bangkay, pare parehas kaming nakahinga ng maluwag ng makitang hindi yun isa kala Ate.
Pero sobrang sakit makita yung mga pamilya ng biktima na unti unting nanghihina at umiiyak dahil sa nangyari sa dalaga.
"Kasalanan niyo lahat ng to!" Nagulat ako ng malakas na sinampal ni mommy yung school director ng Windsor. "Kung hindi kayo naging pabaya hindi mangyayari ang lahat ng to!" Sigaw na ulit ni mommy.
"Stop it, Ingrid. Kailangan na nating bumalik sa hospital gising na si Galvin." Awat ni Tita Lhia. Napangiti naman kami ng marinig na okay na si Kuya Galvin.
Mabilis nadin kaming umalis sa isla para bumalik sa hotel bago pa ako makita ni mommy at ako ang masapak niya dito.
Pag dating namin sa hotel agad nag pa deliver ng pag kain si Kuya Travis dahil pare parehas kaming gutom na.
"I have a good news, alam na ng mga investigator kung saan matatagpuan yung dalawang isla." Nagliwanag ang muka namin sa balita ni Kuya Zach.
"Finish your food, aalis na agad tayo." Utos ni Kuya Travis.
"Hindi na ako sasama sa inyo, gusto kong bumalik sa manila para samahan si Carter, hindi padin nagigising si Elaina." Napatingin naman ako kay Lionel.
"That's a good decision Lionel, you really need to go back sa manila, may gulong nangyari sa bar. I don't know what exactly what happened so I need you to check it, you're the one I trust the most Lionel." Paliwanag ni Kuya Zach pagkatapos niyang ibaba yung phone na hawak niya.
"Sure, makakaasa ka Zach." After namin makaayos lahat ng gamit namin, hinatid muna namin si Lionel sa private plane nila Kuya Zach bago kami bumiyahe patungo dun sa isla na sinasabi nila.
Pag kadating namin sa isla nauna na doon yung mga private investigator na kinuha nila Tito Jax at Tito Ralph.
"Ano na pong balita sir?" Agad na tanong ni Kuya Zach, medyo madilim na yung langit.
"Maliit lang ang isla na to, isa itong private island na pag mamay ari ng mga Juarez, nakausap namin ang namamahala sa isla na'to kung may mapadpad man daw dito makikita agad nila pero wala daw." Paliwanag nung head siguro nung mga investigator. "We can go sa isa pang isla pero it's better kung bukas nalang, malalim na ang gabi at medyo malayo pa ang islang yun dito." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Dreams
RandomStory of a two girls na mag kaiba ang pananaw sa buhay, mag kaiba ang paniniwala at mag kaiba ang mga bagay na pinaniniwalaan. Pero ang pag kakaiba ba nila na yun ang mag tutulak sa kanila para maging the best of friends o ang mag uudyok lalo para k...