KATH POV
Minsan I want to thank myself for not having a boyfriend. Lintek naman kasi tingnan mo tong si Brielle at Iris kanina pa tulala, ang dami kong kwento pero parang walang naririnig. Sa inis ko binagsak ko yung susi sa ibabaw ng lamesa kaya sabay silang nag angat ng tingin sa akin.
"Problema mo?" Iritang tanong ni Brielle.
"Kayo? Anong mga problema niyo? Kanina kopa kayo kinakausap pero parehas kayong tulala!" Sigaw ko sa kanila.
"I miss Travis. Pero I'm still mad at him. Nag lie siya sa akin." She's still so conyo padin kahit nasasaktan na e no.
"Eh ikaw Brielle anong problema mo?"
"Yun nga yung problema ko e, Kasi hindi ko din alam anong problema ko." Walang kwentang sagot ni Brielle.
"Bahala nga kayong dalawa. Mababaliw ako sa inyo." Pumunta ako sa kwarto ni Iris para kuhain yung pouch ko. Baka mabaliw ako bigla dito dahil sa kanila.
Hindi ko alam saan ako pupunta, mag inom nalang kaya ako mas mabuti pa nga. Maaga pa naman saka tanghali naman pasok ko bukas.
Sa bar nila tito Clyde ko napiling uminom. Chill na inom lang naman, boring sa condo nakakatanga lang kausap yung dalawa.
"Kath?" Lumingon ako sa tumawag sa akin and muntik kona mabuga yung alak, na shock ako mga sis, si Galvin yung tumawag sa akin.
Lord naman nag momove on na ako sa taong to e. Move on sa crush???
"Oh Galv? You're here din pala." I said to him bago uminom ulit ng alak.
"Hindi mo kasama sila Iris?" Iris padin? Ako nasa harap mo Galvin oh!
"Obvious naman siguro ako lang mag isa." Sarcastic kong sabi.
"Malay mo nag ligalig lang yung dalawa mong pinsan pero kasama mo talaga sila." Natatawang sabi niya, kaya napailing ako. "Bakit pala mag isa kalang?" He added.
"Wala trip ko lang." Sumenyas siya sa waiter saka umupo sa tabi ko sa may counter, maya maya pa nilapag na din yung mga alak sa harap namin. "Ang dami naman niyan, alak na alak?"
"Wala trip ko lang." Pang gagaya niya sa akin so I rolled my eyes. Epal to.
Puro hard drinks yung iniinom ko kaya maya maya nakaramdam na ako ng hilo, buti nalang maganda yung sounds.
"I'm going to dance, wanna come with me?" I asked Galvin na medyo namumula na din. Bakit ang gwapo niya sobra ngayon?
"Nah! Hintayin nalang kita dito." Napamura ako sa isip ko dahil sa pag tanggi niya.
"Okay." Aalis na sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa kamay saka hinila papuntang dance floor.
"Joke lang, ayaw kita pabayaan sumayaw mag isa mamaya mabastos ka nanaman,hon?" Alam kong nang aasar lang siya pero nag iinit yung pisngi ko.
Umirap nalang ako saka tinaas yung dalawang kamay ko bago dahan dahang kumembot kasabay ng beat ng tugtog. Napapapikit pa ako habang sumasayaw.
Pero natigilan ako ng pag dilat ko, titig na titig sa akin si Galvin. Huminto ako sa pag sasayaw saka siya tinaasan ng kilay.
"What?" I asked him.
"Wala, ang ganda mo." Putcha! Pa fall ampota!
"Matagal ko ng alam." Pag yayabang ko saka nag sayaw na ulit.
BINABASA MO ANG
Chasing Dreams
RandomStory of a two girls na mag kaiba ang pananaw sa buhay, mag kaiba ang paniniwala at mag kaiba ang mga bagay na pinaniniwalaan. Pero ang pag kakaiba ba nila na yun ang mag tutulak sa kanila para maging the best of friends o ang mag uudyok lalo para k...
